Si Molefi Kete Asante (isinilang noong Agosto 14, 1942) ay isang kontemporaryong Aprikanong Amerikanong iskolar sa larangan ng mga pag-aaral na Aprikano at mga pag-aaral na Aprikanong Amerikano. Kasalukuyan siyang isang propesor ng Kagawaran ng Aprikanong Amerikanong mga Pag-aaral sa Pamantasan ng Temple,[1][2] kung saan itinatag niya ang unang[3] PhD programa o palatuntunang pangedukasyon sa mga pag-aaral na Aprikanong Amerikano. Kilala si Asante dahil sa kaniyang pilosopiya ng Aprosentrisidad (Afrocentricity o "nakatuon o nakagitna sa Aprikano") at mapaglipat-lahi, mapag-ugnayang kalinangan, at pandaigdig na pakikipag-ugnayan.[4][5] Siya ang tagapagtatag na patnugot ng Journal of Black Studies ("Dyaryo ng mga Pang-Itim [na kulay ng balat] na Pag-aaral")[6] at ang may-akda ng mahigit sa 65 mga aklat.
Ipinanganak si Asante bilang Arthur Lee Smith Jr.[7] sa Valdosta, Georgia, Estados Unidos, at isa sa labing-anim na anak ng mga manggagawang sina Arthur at Lillie Smith.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in: |work=
(tulong)