Muro Ami | |
---|---|
Direktor | Marilou Diaz-Abaya |
Iskrip | Ricardo Lee and Jun Lana |
Kuwento | Marilou Diaz-Abaya |
Itinatampok sina | Cesar Montano bilang Fredo, Pen Medina bilang Dado, Amy Austria bilang Susan, Jong Hilario bilang Botong, Rebecca Lusterio bilang Kalbo |
Sinematograpiya | Rody Lacap |
In-edit ni | Jesus Navarro |
Tagapamahagi | GMA Films |
Inilabas noong | 25 Disyembre 1999 |
Haba | 120 minuto |
Wika | Tagalog |
Ang Muro Ami ay isang pelikula noong 1999 na inilabas ng GMA Films sa direksiyon at panulat ni Marilou Diaz-Abaya at pinagbidahan ni Cesar Montano. Tungkol ang pelikula sa isa sa mga malalang uri ng trabahong pambata sa ilegal na paraan ng pangingisda, ang muro-ami.
Nagkamit ito ng labing-anim na mga nominasyon (labing-tatlo nanalo) sa Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila noong 1999 kabilang ang Pinakamahusay na Batang Artista (Rebecca Lusterio), Pinakamahusay na Kuwento (Marilou Diaz-Abaya, Ricardo Lee, at Jun Lana), Pinakamahusay na Senaryo (Ricardo Lee at Jun Lana), Pinakamahusay na Direktor (Marilou Diaz-Abaya) at Pinakamahusay na Pelikula. Nakatanggap din ito ng Parangal na Pinili ng Hurado at Publiko sa Pista ng Pelikula sa Bénodet sa Pransiya.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pelikula mula sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.