Nadia Ferreira

Nadia Tamara Ferreira
Si Ferreira noong 2023
Kapanganakan
Nadia Ferreira

(1999-05-10) 10 Mayo 1999 (edad 25)
Villarica, Paraguay
Tangkad1.75 m (5 ft 9 in)
TituloMiss Teen Universe Paraguay 2015
Miss Universe Paraguay 2021
AsawaMarc Anthony (k. 2023)
Beauty pageant titleholder
Hair colorKayumanggi
Eye colorBughaw

Si Nadia Tamara Ferreira (ipinanganak noong 10 Mayo 1999) ay isang modelo at beauty pageant titleholder na Paraguayo na kinoronahang Miss Universe Paraguay 2021. Si Ferreira ang kumatawan sa bansang Paragway sa Miss Universe 2021, kung saan ito nagtapos bilang first runner-up.[1]

Lumitaw na rin bilang isang modelo si Ferreira sa Harper's Bazaar, Cosmopolitan, L'Officiel, at Robb Report Singapore.[2]

Buhay at pag-aaral

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinanganak si Ferreira sa lungsod ng Villarrica sa mga magulang na si Ludy. Ang kanyang ina ay isang ulirang ina at at ang kasama lang nila sa kanilang bahay ay ang kapatid ni Nadia na si Eli. Noong siya ay sampung taong-gulang, nawalan si Ferreira ng paningin, pandinig, at kakayahang gumalaw dahil sa isang komplikasyon.[3] Subalit, gumaling naman ito sa kanyang karamdaman pagkatapos ng dalawang taon.[4]

Unang sumabak sa pagmomodelo si Ferreira noong 2014 para sa patalastas ng Patrol Jeans at iba pang mga advertising campaign.[5] Sa isang fashion show sa Asuncion, nadulas ang kanyang suot na isang silk dress at nalantad ang kanyang dibdib, na siyang umani ng atensyon ng media. Ayon kay Ferreira, hindi raw propesyonal ang pag-aayos ng kanyang damit habang naglalakad, kaya nagpatuloy siya sa kanyang paglalakad at pagtindig.[6]

Naglakad siya sa runway sa maraming okasyon, kabilang ang New York Fashion Week. Bukod dito, lumitaw si Ferreira sa ilang mga Fashion Week sa buong mundo tulad ng Milan Fashion Week, Paris Fashion Week, Santiago Fashion Week, Qatar Fashion Week, at Asunción Fashion Week.[7][8][9][10]

Noong 2018, pumirma siya ng kontrata sa modeling agency na Wilhelmina.[11]

Mga paligsahan ng kagandahan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagsimulang sumali sa mga patimpalak ng kagandahan si Ferreira noong 2015, nung kinatawan niya ang Guairá sa Miss Teen Universe Paraguay 2015 at kalaunan ay nagwagi. Si Ferreira ang kumatawan sa kanyang bansa sa Miss Teen Universe 2015 na ginanap sa Guwatemala kung saan siya ay nagtapos bilang third runner-up.[12]

Si Ferreira noong binigyan ito ng isang parangal noong 23 Disyembre 2021 sa Asuncion

Miss Universe 2021

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Agosto 31, 2021, kinoronahan ni Miss Universe Paraguay 2020 Vanessa Castro si Ferreira bilang Miss Universe Paraguay 2021.[13] Pagkatapos ay kinatawan ni Ferreira ang Paraguay sa Miss Universe 2021 pageant na ginanap sa Eilat, Israel.[14] Mula sa 80 kalahok, napabilang si Ferreira sa Top 16 na sumabak sa swimsuit competition at sa Top 10 na sumabak sa evening gown competition. Sinuot ni Ferreira para sa evening gown competition ang isang light blue-green na gown na may kapa.[15] Pagkatapos ng evening gown competition, napabilang si Ferriera sa limang pinalista na lalahok sa question and answer round. Itinanong ni Steve Harvey kay Ferreira, "How can women handle body shaming?", kung saan ipinarating niya:[16][17]

"Our body is our temple. We must take care of it. Our inner beauty is what really matters. Let's cultivate our inner beauty so it can reflect our external beauty."

Pagkatapos ng question and answer round, napabilang si Ferreira sa tatlong pinalista na kakalahok sa final question round. Itinanong ni Steve Harvey kay Ferreira, "What advice would you give tp young women watching on how to deal the pressures they face today?", kung saan ipinarating niya:[16]

"I went through so many harsh situations in my life but I overcame it. I want all women, all persons who are watching in this moment to join forces, to do what you are meant to to do because you can do it, no matter the situation, you can overcome it and you can always be victorious."

Nagtapos bilang first runner-up si Ferreira sa kompetisyon.[18] Ito ang pinakamataas na pagkakalagay ng Paraguay sa kasaysayan ng kompetisyon.[19] Pagkatapos ng kompetisyon, nagkaroon ng isang homecoming celebration si Ferreira sa lungsod ng Asunción sa Paragway kung saan ito'y dinaluhan ng libo-libong katao. Siya rin ay pinangaralan ng titulong 'Hija Dilecta de la Ciudad de Asunción' o ang Paboritong Anak na Babae ng Lungsod ng Asunción.[20] Pinangaralan din si Ferreira ng Medalla Municipal al Mérito Domingo Martinez de Irala ng Municipal de Asunción dahil sa paglahok nito sa Miss Universe.[21]

Kalaunan ay naging parte ng komite sa pagpili si Ferreira sa Miss Universe 2023 na naganap sa Gimnasio Nacional José Adolfo Pineda, San Salvador, El Salvador noong 18 Nobyembre 2023.[22][23][24]

Personal na buhay

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong Pebrero 2022, nagkaroon ng relasyon si Ferreira sa Amerikanong mangaawit na si Marc Anthony. Sila ay naging magkatipán noong 13 Mayo 2022,[25] at noong 28 Enero 2023, sila ay nagpakasal sa Pérez Art Museum sa lungsod ng Miami.[26][27] Noong 14 Pebrero 2023, inanunsyo ni Ferreira na inaasahan nila ni Marc Anthony ang kanilang unang anak bilang mag-asawa, ang ikapito para sa Amerikanong mangaawit at ang una para sa modelong Paraguayo.[28] Noong 17 Hunyo 2023, isinapubliko ang kapanganakan ng kanilang anak.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Miss Universe 2021: India's Harnaaz Kaur Sandhu beats Paraguay's Nadia Ferreira to become Miss Universe". Jagran English (sa wikang Ingles). 13 Disyembre 2021. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Caruso, Skyler (20 Mayo 2022). "Who Is Nadia Ferreira? All About Marc Anthony's Fiancée". Yahoo News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 10 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Valdez, Cynthia (26 Enero 2023). "Nadia Ferreira: de una infancia complicada a finalista de Miss Universe" [Nadia Ferreira: from a complicated childhood to a Miss Universe finalist]. Hola! (sa wikang Kastila). Nakuha noong 6 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Nadia Ferreira tells all about being a successful woman and her future road to the altar". Hola! (sa wikang Ingles). 2 Hunyo 2022. Nakuha noong 24 Disyembre 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Neog, Anupal Sraban (13 Mayo 2022). "How old is Nadia Ferreira? Age difference with Marc Anthony explored as singer gets engaged". Sportskeeda (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Mayo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Nadia Ferreira hizo topless accidentalmente" [Nadia Ferreira accidentally goes topless]. Crónica (sa wikang Kastila). 9 Mayo 2018. Nakuha noong 6 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Nadia Ferreira sigue nadando en las aguas del modelaje internacional" [Nadia Ferreira continues to swim in the waters of international modeling]. Epa! (sa wikang Kastila). 27 Pebrero 2018. Nakuha noong 6 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Sunio, Patti (21 Mayo 2022). "Move over, J-Lo! Meet Marc Anthony's 23-year-old fiancée Nadia Ferreira". South China Morning Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Paraguaya en pasarela de Qatar" [Paraguayan on catwalk in Qatar]. Ultima Hora (sa wikang Kastila). 9 Enero 2019. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Pebrero 2023. Nakuha noong 6 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Los rostros juveniles que se tomarán el Santiago Fashion Week este fin de semana" [The youthful faces that will take over Santiago Fashion Week this weekend]. Biut (sa wikang Kastila). 9 Abril 2018. Nakuha noong 6 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. Todisco, Eric (15 Pebrero 2022). "Nadia Ferreira: 5 Things To Know About Marc Anthony's 23-Year-Old Wife". Hollywood Life (sa wikang Ingles). Nakuha noong 6 Hunyo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Dayanara Peralta, la ecuatoriana que conquistó el Miss Teen Universe". El Universo (sa wikang Kastila). 7 Pebrero 2015. Nakuha noong 10 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Este martes se revelará a la Miss Universo Paraguay 2021" [This Tuesday the Miss Universe Paraguay 2021 will be revealed]. La Nacion (sa wikang Kastila). 31 Agosto 2021. Nakuha noong 9 Hunyo 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Nadia Ferreira es la nueva Miss Universo Paraguay 2021" [Nadia Ferreira is the new Miss Universe Paraguay] (sa wikang Kastila). UltimaHora. Nakuha noong 31 Agosto 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. Reyes, Mika (13 Disyembre 2021). "Top 5 Best Evening Gowns In Miss Universe 2021". MEGA (sa wikang Ingles). Nakuha noong 1 Mayo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 "READ: Miss Universe 2021 Q&A full transcript". CNN Philippines (sa wikang Ingles). 13 Disyembre 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Agosto 2022. Nakuha noong 11 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Full Transcript of Miss Universe 2021 Top 5 Q&A portion". PEP.ph (sa wikang Ingles). 13 Disyembre 2021. Nakuha noong 1 Mayo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. Yeung, Jessie (14 Disyembre 2021). "India's Harnaaz Sandhu is crowned Miss Universe 2021". CNN (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. Plaza, Marane A. (13 Disyembre 2021). "India's Harnaaz Sandhu wins Miss Universe 2021". Philippine Star (sa wikang Ingles). Nakuha noong 12 Agosto 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Miss Universe 2021 first runner-up Nadia Ferreira has been named 'Favourite Daughter of the City of Asunción'". The Times of India (sa wikang Ingles). 29 Disyembre 2021. Nakuha noong 1 Mayo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Nadia Ferreira será condecorada por Municipalidad de Asunción" [Nadia Ferreira will be decorated by the Municipality of Asunción]. Ultima Hora (sa wikang Kastila). 23 Disyembre 2021. Nakuha noong 2 Mayo 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. Arnaldo, Steph (29 Hulyo 2023). "Miss Universe 2023 set for November in El Salvador". Rappler (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 1 Agosto 2023. Nakuha noong 2 Agosto 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Loreto, Maria (27 Hulyo 2023). "Miss Universe unveils teaser for upcoming competition". ¡Hola! (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Agosto 2023. Nakuha noong 2 Agosto 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Rodríguez, Shakira Vargas (13 Nobyembre 2023). "Giselle Blondet será parte del jurado en el Miss Universe 2023". El Nuevo Día (sa wikang Kastila). Nakuha noong 31 Disyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Marc Anthony y Nadia Ferreira confirmaron su compromiso con un espectacular anillo" [Marc Anthony and Nadia Ferreira confirmed their engagement with a spectacular ring]. Infobae (sa wikang Kastila). 13 Mayo 2022. Nakuha noong 5 Setyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Perez, Andrea (29 Enero 2023). "Marc Anthony and Nadia Ferreira are officially married!". Hola (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Setyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Rice, Nicholas (29 Enero 2023). "Marc Anthony Marries Nadia Ferreira During Star-Studded Miami Wedding Celebration: Report". People Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Setyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. Huston-Crespo, Marysabel E. (15 Pebrero 2023). "Marc Anthony y Nadia Ferreira anuncian que esperan su primer bebé" ["The best Valentine's gift!": Marc Anthony and Nadia Ferreira announce that they are expecting their first baby]. CNN en Español (sa wikang Kastila). Nakuha noong 5 Setyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga Parangal at Natanggap
Sinundan:
Brazil Julia Gama
Miss Universe 1st Runner-Up
2021
Susunod:
Venezuela Amanda Dudamel
Sinundan:
Vanessa Castro
Miss Universe Paraguay
2021
Susunod:
Leah Ashmore