Ang napapanatiling arkitekturang paisahe ay isang kategorya ng disenyong napapanatili na tungkol sa pagpaplano at pagdisenyo ng espasyo sa labas. Ito ay puwedeng sumakop sa mga ekolohikal, politikal na tama, sosyal at ekonomiyang mga aspeto ng pagpapanatili. Halimbawa, ang disenyo ng isang pagpapanatili ng urban na sistemang drenahe ay kayang: ipagyabong ang mga tirahan ng palahayupan at sanghalamanan; ipagyabong ang mga pasilidad ng panglibangan, dahil gusto ng mga tao ang malapit sa tubig; mag tipid ng pera, dahil ang paggawa ng mga alkantarilya ay mahal at ang mga baha ay nagdudulot nang malalang pinsala pagdating sa gastusin.
Ang disenyo ng isang green roof o isang hardin sa bubong ay nakakatulong sa pagpapanatili ng isang proyekto sa arkitektura ng panawing panlupa. Ang bubong ay tutulong sa pagkontrol ng tubig, magbigay sa mga hayop at magbigay ng libangan.
Ang pagpapanatili ay mukhang isang bagong adisyon sa tradisyunal na Vitruviyano na layunin ng proseso ng disenyo: pakinabang, katatagan, at kasiyahan. Ngunit, maari rin itong tingnan bilang aspeto ng parehong kaligayahan at pakinabang: ang espasyo sa labas ay mas malamang na tumagal at mas magbigay ng pakinabang sa mga may-ari kapag ito ay nangangailangan lamang ng mababang bigay ng enerhiya, tubig, patabang lupa atbp., at kapag ito ay naglalabas ng mas kaunting ingay, polusyon, unti-unting pag-ubos ng tubig atbp.