Ang National Service Training Program o Programang Pagsasanay sa Pambansang Paglilingkod (NSTP) ay isang edukasyong sibiko at programang paghahandang depensa ng mga mag-aaral na itinatag ng Gobyerno ng Pilipinas noong Hulyo 23, 2001, sa bisa ng Saligang Batas Blg. 9163, o kilala bilang "National Service Training Program (NSTP) Act ng 2001."
Sa ilalim ng NSTP Program, parehong lalaki at babae na mag-aaral sa kolehiyo ng anumang kursong baccalaureate degree o kursong teknikal na bokasyonal sa mga pampubliko o pribadong institusyong mas mataas na edukasyon ay obligadong sumailalim sa isa sa tatlong bahagi ng programa para sa akademikong yugto ng dalawang semestre. Ang mga mag-aaral, gayunpaman, ay malayang pumili kung aling partikular na bahagi ng programa ang kukunin. Ang tatlong bahagi ng Programa ng NSTP ay:[1]
Ang mga nagtapos ng bahagi ng programa ng ROTC ay inorganisa sa Citizen Armed Force, habang ang mga nagtapos ng LTS at CWTS program component ay inorganisa sa National Service Reserve Corps (NSRC) na pinangangasiwaan ng Department of National Defense, Commission on Higher Education at Technical Education and Skills Development Authority.