Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Og Mandino | |
---|---|
Kapanganakan | 12 Disyembre 1923 |
Kamatayan | 3 Setyembre 1996 |
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Trabaho | May-akda ng mga babasahing inspirasyonal |
Website | Ogmandino.com |
Si Augustine "Og" Mandino (isinilang noong 12 Disyembre 1923 - kamatayan 3 Setyembre 1996) ay isang "guru" ng pagbebenta at may-akda ng sikat at mabentang aklat na The Greatest Salesman in the World (literal na salin: Ang Dakilang Tagapagbili sa Mundo). Nananatili siyang isa sa mga pinakahinahangaan at may-pinakamabiling aklat sa ngayon. Nabili ang mahigit sa 50 milyong kopya ang kaniyang aklat at naisalin sa mahigit sa dalawampu't limang iba't ibang mga wika. Naging pangulo siya ng Success Unlimited (o "walang-hangganang tagumpay"), isang magasin, hanggang 1976. Napabilang siya sa Hall of Fame ng National Speakers Association sa Estados Unidos.
Nasa wikang Ingles ang mga pamagat: