Ibang tawag | ukoy |
---|---|
Kurso | pangunahing pagkain, pamutat |
Lugar | Pilipinas |
Ihain nang | mainit |
Mga katulad | camaron rebosado, calamares, bazun khwet kyaw |
|
Ang okoy o ukoy ay isang uri ng katutubong pagkaing Pilipino na niluto sa mantika. Kabilang sa mga sangkap nito ang hipon (partikular ang maliliit na hipon na tinatawag na hibe[1]), toge, harina, harina ng bigas, na may sawsawang suka at bawang.[2][3] Ang okoy ay isang uri ding ng pagkaing Tsino. Kabilang sa mga sangkap ng okoy na Tsino ang hipon, karne ng baboy, toge, berdeng papaya, kalabasa at sinangag na kanin.[4]
Kinakain ang okoy ng may kanin o wala, tuwing agahan, meryenda, o bilang pampagana. Nilalagyan din minsan ang putahe ng mga buto ng atsuwete para maging makinang na kulay kahel.[5] Tinitinda din ito kadalasan sa kalye at tinuturing na street food o pagkaing kalye.
Maraming mga baryasyon ang okoy gamit ang iba't ibang sangkap kabilang ang pagpapalit sa hipon sa maliliit na isda o kalamares. Maaring gawa ang batido ng okoy sa regular na arina, arinang bigas, o halo ng itlog at gawgaw. Maaring tumukoy din ito sa mga torta na gawa sa minasang kalabasa o kamote, kasama o hindi kasama ang hipon.[6][7]
Sang-ayon sa lingguwistang Pilipino na si Gloria Chan-Yap, mula ang pangalang okoy sa Hokkien na ō+kuè, na nangangahulugang "keyk na gawa mula sa gabi". Bagaman, magkaiba silang putahe. Gawa ang putaheng Hokkien sa buong-babad na prinitong taro at tinadtad na baboy, habang hindi gumagamit ang putaheng Pilipino ng ganoong sangkap. Ang pagkakatulad lamang ay pareho silang buong-babad na prinito at hugis-pankeyk.[8]
Sa karaniwan resipi ng pagluluto ng okoy, kailangan ng galapong, hipon, toge, kalabasa, asin, paminta, at atsuwete. Pinaghalo-halo ang galapong, asin, paminta, at atsuwete para magkaroon ng batido o batter. Nilalagay ang batido sa mainit na kawaling may mantika. Tapos, nilalagay ang mga natitirang mga sangkap, ang toge, kalabasa at hipon sa ibabaw. Lalagyan uli ito ng batido para isang patong pa nito. Piniprito ang okoy hanggang maging ginuntuang kayumanggi ito na indisikasyon na luto na.[9]
May iba't ibang baryasyon ang pagluluto ng okoy depende sa lugar o rehiyon na pinanggalingan.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)