Ang Oretachi ni Asu wa Naissu (俺たちに明日はないッス) ay isang manga mula sa bansang Hapon na sinulat at ginuhit ni Akira Sasō. Nagkaroon ito ng adaptasyon sa isang live-action na pelikulang drama na may temang hayskul na coming-of-age na komedya at pinamagatang ito bilang Ain't No Tomorrows, na dinirehe ni Yuki Tanada at nilabas noong Nobyembre 22, 2008.[1][2]
Sa Midnight Eye, sinabi ni Tom Mes na "ang kabuuang impresyon ay sariwa at masigla na bibira makita sa isang drama nakatuon sa mga kabataan."[3]