Ang pagpapaabot o outreach ay isang aktibidad ng pagbibigay ng serbisyo sa mga populasyon na maaring hindi naaabot ng mga serbisyo na iyon.[1][2] Isang mahalagang bahagi ng mga pagpapaabot ay ang mga grupo na nagbibigay nito ay hindi nakatigil ngunit napakikilos; sa ibang salita ay napupuntahan nila ang mga nangangailangan ng serbisyo sa mga lugar kung nasaan ang mga nangangailangan.[1][2][3] Bukod sa pagbibigay ng mga serbisyo, ang pagpapaabot ay may bahagi din sa paglaki ng kaalaman tungkol sa kasulukuyang mga serbisyo.
Ang mga pagpapaabot ay madalas na ginagawa upang punuin ang mga puwang ng mga serbisyo na ibinigay ng mga (madalas na pang-gobyerno) pangunahing mga aktibidad, at madalas na isinasagawa ng mga samahang hindi pangkalakalan. Ito ay isang pangunahing elemento na naghihiwalay sa pagpapaabot mula sa mga ugnayang pampubliko. Sabi ni Dewson et al. (2006) na ang mga tauhan ng pagpapaabot ay maaring may mga mas mababang kuwalipikasyon, ngunit ay may mas mataas na pagbubuyo kumpara sa mga tauhan na nagbibigay mga tradisyunal na serbisyo.
Ipinag-uuri ni Rhodes (1996) ang pagpapaabot sa tatlong uri: domiciliary o sa bahay (ginagawa sa mga indibidwal na mga bahay), detached o nakahiwalay (ginagawa sa mga pampublikong kapaligiran at nakatuon sa mga indibidwal),[4] at peripatetic o gumagala (ginagawa sa pampubliko o pampribado na kapaligiran na organisayon). Inilista ni Dewson et al. (2006) ang isa pang karagdagang uri ng pagpapaabot: ang satellite o sangay, kung saan ang mga serbisyo ay ibinibigay sa tiyak na lugar lamang.[3]
Ang konsepto ng pagpapaabot sa kalye sa mga indibiduwal na nakakarananas ng kawalan ng tahanan ay isang klasikong halimbawa ng pagpapaabot. Mayroon iba't ibang mga kumplikadong isyu ang nakakaranas ng kawalan ng tahanan na nag-uudyok ng partikular na mga anyo ng pangangalaga.[5] Dahil dito, isang gawang mapanghamon ang pagpapaabot sa kalye. Maraming ahensiyang pampamahalaan at di-pampamahalaan ang naghahangad na makisali sa gawain na ito dahil sa pag-unawa na ang mga taong walang bahay ay may tendensiya na magkaroon ng pinataas na hadlang upang makakuha ng mga tradisyunal na serbisyo. Nasa iba't ibang anyo ang pagpapaabot sa kalye, mula sa mga tao na may dala-dalang mga pagkain o pang-araw-araw na gamit, hanggang sa mga klinikang pangkalusugan na mobayl na may mga grupo ng mga boluntaryong pangmedisina na umiikot at nag-aalok ng serbisyo. Anuman ang anyo, ang esensya ng pagpapaabot sa kalye ay ang pagnanais na makilala ang tao kung nasaan sila, bumuo ng malalim na tiwala at koneksyon, mag-alok ng suporta, at palakasin ang dignidad at paggalang ng tao na nararapat sa lahat ng tao.[6] Kabilang sa mga pangunahing elemento ng epektibong pagpapaabot sa kalye ang pagiging sistematiko, naikokoordina, komprehensibo, nakatuon sa pabahay, nakatuon sa tao, nababatid ang trauma, tumutugon sa pangkulturang aspeto, gayon din ang pagbibigay-diin sa kaligtasan at pagbawas ng pinsala.[7]
{{cite journal}}
: Cite journal requires |journal=
(tulong)