Pagpapalaglag sa Pilipinas

Ang aborsyon ay ilegal sa Pilipinas batay sa Article 256-259 ng Act No. 3815 (1930) o The Revised Penal Code.[1] Ipinagbabawal ang anumang uri ng pagpapalaglag at anumang tulong mula sa taong nasa medikal na propesyon. Bagamat ipinagbabawal, mayroong pa ring mga bumibili ng pampalaglag.

Patas na pagprotekta sa Buhay ng Ina at Bata

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas (1987) Article II section 12[2]:

"The State recognizes the sanctity of family life and shall protect and strengthen the family as a basic autonomous social institution. It shall equally protect the life of the mother and the life of the unborn from conception."

Mga Eksepsyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Walang eksepsyon na nakasulat sa mga batas tungkol sa aborsyon. Hindi nakasaad sa Revised Penal Code of 1930 ang mga eksepsyon sa pagpayag ng aborsyon ngunit nakasaad sa Article 11.4 ng Revised Penal Code na walang liyabilidad pangkriminal ang sinumang mananakit ng iba upang makaiwas sa mas malalang sakuna o disgrasya.[1] Pwedeng maituring ang pagpapalaglag upang hindi mamatay ang buntis na isang kaso nito.

Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakasulat sa section 3.j ng RA No. 10354, "Kahit na kinikilala ang batas na ilegal ang aborsyon, sinisigurado ng gobyerno na ang lahat ng kababaihang nangangailangan ng tulong-medikal sa kumplikasyong dulot ng aborsyon o iba pang sanhi na may kinalaman sa pagbubuntis ay itatrato at gagabayin sa makatao, di-mapanghusga at mapagmalasakit na paraan na sumusunod sa batas at etika ng medisina."[3]

Mga insidente

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kahit ipinagbabawal ng batas, ayon sa isang pag-aaral noong 1997, noong 1994 ay mayroong 400,000 na ginawang aborsyon sa Pilipinas at 80,000 ang na-ospital dahil sa mga kumplikasyon sa pagpapalaglag.[4] Noong 2005, lumalabas na 400,000 to 500,000 ang bilang ayon sa opisyal na mga numero, at 800,000 ayon sa World Health Organization (WHO). 70% ng mga hindi pinlanong pagbubuntis sa Pilipinas ay napupunta sa aborsyon, ayon sa (WHO). Ang madalas na dahilan sa pagpapalaglag sa Pilipinas ay pinansyal na problema; madalas sa mga kababaihang masyadong maraming mga anak (2005).[5]

Bagamat may mga doktor na patagong gumagawa ng aborsyon, masyadong mahal para sa mga Pilipino ang bayad na 2,000-5,000 pesos (2005), kaya sila ay bumibili ng pampalaglag mula sa mga tindero malapit sa simbahan(Quiapo), sari-sari stores at mga bakery.[5] Noong 2006, dalawa kada tatlong Pilipina na naglaglag ay self-induced o naghanap ng tradisyonal na gamot upang magpalaglag.[6] Noong 2011, 100,000 na tao ang na-ospital dahil sa hindi ligtas na paglalaglag, ayon sa Department of Health. Tinatanggihan ng ilang mga ospital ang mga pasyenteng may kumplikasyong dulot ng hindi ligtas na aborsyon at yung ilan naman ay inooperahan nang walang anesthesia bilang parusa sa mga pasyente, ayon sa women rights groups.[5] Kaya naman noong 2018, mayroong bagong governmental policy na naglalayong magbigay ng postabortion care sa mga babae na naaayon sa legal at etikal na istandard at magbigay boses sa mga babae laban sa pang-aabuso.[7] Dagdag na rito ang RA No. 10354

  1. 1.0 1.1 "Act No. 3815 The Revised Penal Code". 8 Disyembre 1930. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Oktubre 2009.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Saligang Batas ng Pilipinas". 1987.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Republic Act No. 10354". 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-03-11. Nakuha noong 2023-03-11.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. ""Estimating the Level of Abortion In the Philippines united nation arab emirates and Bangladesh. September 1997". 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  5. 5.0 5.1 5.2 "Philippines abortion crisis". Inarkibo mula sa orihinal noong 2011. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  6. "The Incidence of Induced Abortion in the Philippines: Current Level and Recent Trends". 2005. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006. {{cite web}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  7. "The Philippines' new postabortion care policy". 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)