Ang Palazzo Chigi-Saracini ay isang Gotikong urbanong palasyo sa Via di Città sa Terzo di Città sa sentrong Siena, Tuscany, Italya. Noong 2014, naging tahanan ito ang Accademia Musicale Chigiana.
Ito ay itinayo ng pamilyang Marescotti noong ika-12 siglo.[1] Ito ang bahay ni Konde Galgano Lucarini Saracini at pagkatapos ay naging pag-aari ito ni Fabio Chigi Lucarini Saracini.[2] Ang palasyo ay inilarawan bilang isang "kagandahang Gotiko na may kurbadang patsada at patyo sa likod."[3]