Ang Palazzo Pallavicini-Rospigliosi ay isang palasyo sa Roma, Italya. Ito ay itinayo ng pamilyang Borghese sa Burol Quirinal; ang plano ay sumasakop sa lugar kung saan nakatayo ang mga labi ng mga Paliguan ni Constantino, na ang labi ay bahagi pa rin ng silong ng pangunahing gusali, ang Casino dell'Aurora. Ang unang naninirahan dito ay ang tanyag na kolektor ng sining na si Kardinal Scipione Borghese, ang pamangkin ni Papa Pablo V, na nais na pumuwesto malapit sa malaking papal na Palazzo Quirinale. Ang palasyo at hardin ng Pallavicini-Rospigliosi ay produkto ng naipong mga pook at idinisenyo nina Giovanni Vasanzio at Carlo Maderno noong 1611–16. Pinagmay-arian ni Scipione ang pook na ito nang kumulang ng isang dekada, 1610–16, at kinomisyon ang pagtatayo at dekorasyon ng casino at pergolata, nakaharap sa hardin ng Montecavallo. Ang palasyong Romano na may ganitong pangalan ay hindi dapat ikalito panoramikong Villa Pallavicino sa baybayin ng Lawa Como sa Lombardy.
Mayroon ding isang Palazzo Pallavicini-Rospigliosi sa Pistoia.