Ang Pambansang Pamantasan ng Teknolohiya ng Taipei (NTUT, Taipei Tech), isang pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Lungsod ng Taipei, Taiwan. Ito ay itinatag noong 1912, bilang School of Industrial Instruction, at isa sa pinakaunang institusyon ng mataas na edukasyon sa Taiwan. Sa panahon ng industriyalisasyon pagkatapos ng digmaan, ang paaralan ay nakapagprodyus ng ilan sa mga pinakamaimpluwensyang negosyante, lider, edukador, at mga mananaliksik sa mga larang ng agham at industriya, kaya't ito ay binansagang ng "ang duyan ng pagnenegosyo"(企業家的搖籃). Noong 2017, naging kapartner ng NTUT ang Massachusetts Institute of Technology sa pagtatatag ng Science City Lab @ Taipei Tech.[1][2]
25°02′32″N 121°32′08″E / 25.0422329°N 121.5354974°E Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.