Ang Pambansang Unibersidad ng Mar del Plata (Kastila: Universidad Nacional de Mar del Plata, UNMdP, Ingles: National University of Mar del Plata) ay isang pambansang unibersidad ng Argentina sa lungsod ng Mar del Plata, sa baybaying Atlantiko.
Ang institusyon ay itinatag noong 1962 bilang ang Universidad de la Provincia de Buenos Aires (Unibersidad ng Lalawigan ng Buenos Aires).
Ang UNMdP ay kasalukuyang binubuo ng siyam na mga fakultad (Arkitektura, Urbanismo at Disenyo, Agham Agrikultural, Ekonomiks at Agham Panlipunan, Likas na Agham, Agham sa Kalusugan at Gawaing Panlipunan, Batas, Humanidades, Teknolohiya at Sikolohiya) at isang paaralan (Medisina). Nag-aalok ito ng 50 programang di-gradwado, 11 programang gradwado program, at 48 programang post-gradwado.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.