Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2010 | |
---|---|
Hangganan ng panahon | |
Unang nabuo | Enero 18, 2010 |
Huling nalusaw | Disyembre 2010 |
Pinakamalakas | |
Pangalan | Megi |
• Pinakamalakas na hangin | 230 km/o (145 mil/o) (10-minutong pagpanatili) |
• Pinakamababang presyur | 885 hPa (mbar) |
Estadistika ng panahon | |
Depresyon | 27 |
Mahinang bagyo | 13 official, 1 unofficial |
Bagyo | 6 official |
Superbagyo | 1 unofficial |
Namatay | 317 dead, 88 missing |
Napinsala | $1.658 bilyon (2010 USD) |
Kaugnay na artikulo: | |
Ang Panahon ng bagyo sa hilagang-kanlurang Pasipiko ng 2010 ay walang opisyal na hangganan, ngunit karamihan ng mga bagyo (tropical cyclones) ay kadalasang nabubuo tuwing buwan ng Mayo hanggang Nobyembre.[1] Sa mga petsang ito kadalasan madalas mabuo ang mga bagyo sa hilagang-kanlurang Pasipiko.
Ang saklaw ng artikulong ito ay limitado lamang sa Karagatang Pasipiko, hilaga ng ekwador, at kanluran ng International Date Line. Ang mga bagyo na nabubuo sa silangan ng International Date Line, hilaga ng ekwador ay tinatawag na typhoon o bagyo. Ang mga bagyong mabubuo sa hilagang-kanlurang Pasipiko ay binibigyan ng pangalan ng Japan Metrological Agency. Ang mga bagyong na nabuo ay binibigyan ng numero na may hulapi na "W" ng Joint Typhoon Warning Center ng Estados Unidos. Sa karagdagan, ang Pangasiwaan ng Palingkurang Atmosperiko, Heopisikal at Astronomiko ng Pilipinas (PAGASA) ay nagbibigay din ng pangalan sa mga bagyo (kasama ang mga Tropical Depressions) na pumasok o nabuo sa Pilipinas. Ang mga pangalang ito ay hindi pangkaraniwang ginagamit sa labas ng Pilipinas.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)