Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Parlamento ng Bangsamoro Arabe: البرلمان بانجسامورو | |
---|---|
Pansamantalang Parlamento ng Bangsamoro | |
Uri | |
Uri | Unikameral |
Term limits | 3 termino (9 taon) |
Kasaysayan | |
Itinatag | Pebrero 26, 2019 |
Inunahan ng | ARMM Regional Legislative Assembly |
Pinuno | |
Murad Ebrahim Simula Pebrero 22, 2019 | |
Tagapagsalita ng Parlamento | Pangalian Balindong Simula Marso 29, 2019 |
Pinuno ng Mayorya | Lanang Ali Jr. Simula Marso 29, 2019 |
Pinuno ng Minorya | Laisa Alamia Simula Marso 29, 2019 |
Estruktura | |
Mga puwesto | 80 |
Haba ng taning | 3 taon |
Otoridad | Artikulo VII, Batas Republika Blg. 11054 |
Halalan | |
Pagbobotong parallel | |
Huling halalan | Wala |
Susunod na halalan | 2025 |
Lugar ng pagpupulong | |
Shariff Kabunsuan Cultural Complex, BARMM Complex, Brgy. Rosary Heights VII, Lungsod Cotabato | |
Websayt | |
parliament.bangsamoro.gov.ph |
Ang Parlamento ng Bangsamoro ay ang lehislatura ng Bangsamoro, isang rehiyong awtonomo ng Pilipinas. Kasalukuyan itong pinamumunuan ng Bangsamoro Transition Authority, isang katawan na nagsisilbing pansamantalang tagapagpamahala ng rehiyon. Ang pampasinayang pulong ng parlyamento ay ginanap noong Marso 29, 2019, habang ang unang regular na pagpupulong ay inaasahang gaganapin sa 2025.
Ang unang Parlamento ng Bangsamoro ay isang pansamantalang lehislatura na pinamumunuan ng Bangsamoro Transition Authority (BTA). Ang unang hanay ng mga miyembro ng BTA ay nanumpa noong Pebrero 22, 2019. Ang epektibong pagbuwag ng Rehiyong Awtonomo ng Muslim Mindanao (ARMM) ay naganap kasunod ng opisyal na paglilipat ng ARMM sa Rehiyong Awtonomo ng Bangsamoro noong Pebrero 26, 2019.
Ang unang pagpupulong ng pansamantalang Parlamento ng Bangsamoro ay ginanap noong Marso 29, 2019 kung saan apat na mga resolusyon ay naipasa; dalawa ay ukol sa badyet para sa rehiyon ng Bangsamoro. Ang pinagpatuloy ng pansamantalang parliyamento ang pagpupulong noong Abril 22, 2019 o halos pagkaraan ng isang buwan.
Ayon sa batas, ang lehislatura ay dapat na binubuo ng hindi bababa sa 80 na mga miyembro, na pinamumunuan ng Tagapagsalita ng Parlamento na hinirang mula sa mga kasapi ng lehislatura.
Ang kasalukuyang parlamento ay binubuo ng 75 na regular na kasapi at 23 na mga hinalal na opisyal ng binuwag na Rehiyong Awtonomo ng Muslim Mindanao.Si Pangalian Balindong ay ang Tagapagsalita ng Parlamento at si Hatimil Hassan ang Pangalawang Tagapagsalita. Si Lanang Ali Jr ay ang Pinuno ng Mayorya at si Laisa Alamia ay ang Pinuno ng Minorya. Si Roby Angkal ay nagsisilbing Punong Kalihim habang si Dan Dimakenal ang Sergeant at Arms.
40 porsyento ng mga upuan ng parlamento ay nakalaan sa mga kinatawan ng mga distritong pangparlamento ng Bangsamoro bagaman ang mga distrito ay hindi pa naitatatag. Ang mga distritong parlamento ng Bangsamoro ay iiral kasabay sa distritong pambatas na gingamit para malaman ang pagkabuo ng pambansang Kapulungan ng mga Kinatawan.
Mayroon ding mga pagkakaloob na ligal para hadlangin ang paglipat ng mga kasapi ng parlamento ng partidong pampulitika. Ang paglipat ng partido sa loob ng isang termino ay nangangahulugang pagsuko ng isang kasapi ng parlamento ng kanilang upuan. Ang pagbabago ng partido sa loob ng anim na buwan bago ang isang halalang pangparlamento ay magdudulot ng kawalan ng karapatan ng isang indibidwal na manominado ng isang partidong pulitikal na naghahangad ng representasyon sa parlamento.