Paul Oscar Blocq | |
---|---|
Kapanganakan | 1860
|
Kamatayan | 1896
|
Mamamayan | Pransiya |
Trabaho | manggagamot |
Si Paul Oscar Blocq, binabaybay ding Paul-Oscar Blocq[1], (1860-1896[1]) ay isang Pranses na manggagamot at patologo na naaalala dahil sa kanyang mga gawaing kaugnay ng neuropatolohiya sa Salpêtrière ng Paris, habang kasama nina Jean-Martin Charcot at Gheorghe Marinescu.
Sina Blocq at Marinescu ang unang mga manggagamot na naglarawan ng mga depositong ekstraselular (nasa labas ng selula) ng neurotikong plaka na nasa loob ng kulay abong materya ng utak. Gayundin, natagpuan din nina Blocq at Marinescu ang isang kaso ng tremor na Parkinsonyanong sanhi ng isang tumor na nasa loob ng substantia nigra (sustansiyang itim) ng utak. Kasama ni Marinescu at ng bakteryologong si Victor Babeş, nilathala ni Blocq ang Atlas der pathologischen Histologie des Nervensystems, isang mahalagang akda hinggil sa patolohikal na histolohiya ng sistemang nerbiyos.
May isang sakit na ipinangalan kay Blocq, ang Karamdaman ni Blocq o Sakit ni Blocq, na kilala rin sa tawag na astasia-abasia (basahin din ang hinggil sa abasia). Isa itong sakit na may katangiang hindi makatayo o makalakad ang pasyente, sa kabila ng kakayahang maigalaw ang mga pang-ibabang sanga ng katawan (mga paa at binti) kapag nakaupo o nakahiga.