Pen Medina | |
---|---|
Kapanganakan | Crispin Parungao Medina Sr. 27 Agosto 1950 |
Nasyonalidad | Pilipino |
Trabaho |
|
Aktibong taon | 1977–kasalukuyan |
Kilala sa | Hagorn sa Encantadia |
Kilalang gawa |
|
Anak | 7 (kabilang sina Ping at Alex) |
Parangal | Buong tala |
Si Crispin "Pen" Parungao Medina Sr. (ipinanganak noong Agosto 27, 1950, sa Arayat, Pampanga[1]) ay isang artista mula sa Pilipinas na nagsimulang umarte sa mga palabas sa teatro noong kanyang kabataan.[2] Nang naglaon, naging artista din siya sa mga pelikula at telebisyon.[3] Isa sa mga kilala niyang pagganap ay ang papel na Hagorn, ang pangunahing kontrabida sa seryeng pantasya na Encantadia noong 2005.[4] Nanalo siya ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award (Parangal sa Habang-buhay na Pagtamo) noong ika-33 PMPC Star Awards for Movies, Pinakamahusay na Pansuportang Aktor sa ika-62 FAMAS Awards, at Pinakamahusay na Aktor sa ika-6 na Cinema One Originals Film Festival.[5][6][7]
Siya rin ang naging ikalawang Pilipinong Colonel Sanders ng KFC.[8][9] Isa din siyang modelo[10] at pintor.[11] Isa rin siyang aktibista na sumasali sa mga rally o pagtipun-tipon laban sa mga nakaluklok sa kapangyarhan at gayon din sa pagsali sa mga protesta kontra bakuna at kontra sa pagsuot ng face mask (o telang pantakip sa mukha) sa gitna ng pandemya ng COVID-19.
Noong Hulyo 2022, ipinabatid ng kanyang pamilya na mayroon siyang degenerative disc disease (o malubhang sakit ng disko ng gulugod) at naratay sa higaan ng ospital sa mga ilang linggo.[12] Sumailalim siya ng pagtistis ng kanyang gulugod upang gamutin ang kanyang sakit.[13][14]
Taon | Naggawad | Kategorya | Gawa | Kinalabasan |
---|---|---|---|---|
1993 | Ika-41 FAMAS Awards | Pinakamahusay na Pansuportang Aktor | Sakay[15] | Nominado |
1994 | Ika-18 Parangal ng Gawad Urian | Pinakamahusay na Pangalawang Aktor | Sakay[16] | Nominado |
1999 | Ika-25 Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila | Pinakamahusay na Pansuportang Aktor | Muro Ami[17] | Nanalo |
2001 | Film Academy of the Philippines | Pinakamahusay na Pansuportang Aktor | Deathrow[18] | Nanalo |
2010 | Ika-6 na Cinema One Originals Film Festival | Pinakamahusay na Aktor | Layang Bilanggo[7] | Nanalo |
2013 | Ika-39 na Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila | Pinakamahusay na Pansuportang Aktor | 10,000 Hours[19] | Nanalo |
2014 | Ika-62 FAMAS Awards | Pinakamahusay na Pansuportang Aktor | 10,000 Hours[6] | Nanalo |
2017 | Ika-33 PMPC Star Awards for Movies | Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award | (Di-nauugnay)[5] | Nanalo |
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
{{cite magazine}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}