Cassero di Porta Saragozza | |
Kinaroroonan | Bolonia, Italya |
---|---|
Kasaysayan | |
Itinatag | Ika-12 - ika-13 siglo |
Kapanahunan | Gitnang Kapanahunan |
Pagtatalá | |
Kondisyon | Isinayos |
Ang Porta Saragozza ng Bolonia isa sa tarangkahan o portadang medyebal ng pader ng lungsod na ito.
Ang tarangkahan ay itinayo noong ika-13 - ika-14 na siglo, at noong 1334 ay binigyan ito ng lebadisong tumatawid sa isang kanal. Hindi ito gaanong ginamit hanggang 1674, nang ang mahabang Portico di San Luca itinayo mula sa sentro ng bayan hanggang sa Basilica della Beata Vergine di San Luca, na ginagamit sa taunang prusisyon ng isang imahen. Mula noon ay kilala rin ito bilang "Porta Sacra" o "Porta dei pellegrini" (Banal na Tarangkahan at Tarangkahan ng mga Peregrino) para sa pagkakalagay nito sa rutang patungo sa santuwaryo ng San Luca.
Noong 1859, kasabay ng isang tumataas na kilusan upang maibalik ang mga labing medyebal sa mga lungsod ng Italya, ang arkitekto na si Giuseppe Mengoli, ay pinalitan ang mediaeval cassero ng kasalukuyang isa sa pamamagitan ng pagkonekta nito sa dalawang crenellated na arko sa dalawang lateral na silindrikong dakilang tore, na nagbigay sa kasalukuyang mala-kastiluong hugis nito.[1]
Humigit-kumulang siyam sa orihinal na labindalawang pintuang-daan ang nananatili sa ikatlong hanay ng mga paikot na pader mula noong ika-14 na siglo (Cerchia del Mille) ng Bolonia. Kasama rito ang Porta Maggiore (o Mazzini), Porta Castiglione, Porta Saragozza (artikulong ito), Porta San Felice, Porta delle Lame, Porta Galliera, Porta Mascarella, Porta San Donato, at Porta San Vitale.