Pwersa ng Masang Pilipino

Pwersa ng Masang Pilipino (PMP)
PanguloJoseph Estrada
Itinatag20 Agosto 1991; 33 taon na'ng nakalipas (1991-08-20)
Punong-tanggapanPasay
PalakuruanPopulismo[1]
Posisyong pampolitikaBig tent (Malaking tolda) o may mga miyembrong may iba't iba ang pinaniniwalaan[1]
Kasapian pambansaUNO (2024-kasalukuyan)
UniTeam (2021–2024)
HNP (2018–2021)
PGP (2015–2016)
UNA (2012–2015)[2]
Genuine Opposition (2007)
KNP (2004)
Puwersa ng Masa (2001)
LAMMP (1997–2001)
Opisyal na kulay     Kahel at      luntian
Mga puwesto sa Senado
1 / 24
Mga puwesto sa Kamara de Representante
0 / 316
Provincial governorships
0 / 81
Provincial vice governorships
0 / 81
Website
http://pwersangmasangpilipino.com/

Ang Pwersa ng Masang Pilipino, dating tinatawag bilang Partido ng Masang Pilipino, ay isang partidong pampolitka na populista mula sa Pilipinas. Ito ang partidong pampolitika ng dating pangulo ng Pilipinas na si Joseph E. Estrada. Noong Mayo 1998, hinanay ng partido ang sarili sa ibang mga partidong pampolitika upang buuin ang Laban ng Makabayang Masang Pilipino.

Orihinal na pinangalan bilang ang Partido ng Masang Pilipino, nagmula ang Pwersa ng Masang Pilipino mula sa isang organisasyon na sanga ng Economic Recovery Action Program (ERAP, literal sa Tagalog bilang Programa Aksyon ng Pagbawi ng Ekonomiya) na inorganisa ni George S. Antonio noong Mayo 1990. Pormal na inilunsad ang organisasyong ERAP noong Oktubre 4, 1990 na may 21 orihinal na kasapi.[1]

Noong Agosto 20, 1991, nagkaroon ang PMP ng akreditasyon ng pagiging pambansang partidong pampolitika. At noong 1992, tumakbo si Joseph Estrada sa pagkapangalawang pangulo sa ilalim ng PMP at kasama niyang kumandidato si Eduardo "Danding" Cojuangco Jr., ang kandidato sa pagkapangulo ng Nationalist People's Coalition (NPC, literal bilang Koalisyon ng mga Nasyonalista). Nanalo si Estrada subalit natalo si Cojuanco kay Fidel Ramos.

Nang kumandidato si Estrada noong 1997, naging aktibo ang PMP at binuo ang koalisyon ng mga oposisyon na Laban ng Makabayang Masang Pilipino (LAMMP). Nanalo si Estrada bilang ika-13 Pangulo ng Pilipinas. Noong 2003, napalitan ang pangalan ng Partido ng Masang Pilipino sa Pwersa ng Masang Pilipino.

Noong Enero 18, 2008, naglagay ng patalastas ang PMP sa mga pahayagan sa Kalakhang Maynila, at sinisisi ang EDSA 2 sa pagdulot nito ng yupi sa demokrasya sa Pilipinas. Tinampok nito ang mga sipi na kinukuwestiyon kung naaayon ba sa konstitusyon ng Pilipinas ang rebolusyon, at kinuha ang mga sipi mula sa Time, New York Times, Straits Times, Los Angeles Times, Washington Post, Asia Times Online, The Economist, at International Herald Tribune. Pinalagay ng dating mahistrado ng Korte Suprema ng Pilipinas na si Cecilia Muñoz Palma na nilabag ng EDSA 2 ang Saligang Batas ng 1987.[3]

Noong Agosto 20, 2008, nagbitiw si Alfredo Lim bilang pinuno ng PMP, kasunod ng resolusyon ng komiteng ehekutibo na tinatanggal siya bilang pangulo ng partido. Pinalitan siya ni Joseph Estrada na tagapangulo din ng PMP.[4][5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Dayley, Robert (2016). Southeast Asia In The New International Era (sa wikang Ingles). ISBN 9780813350110. Nakuha noong Abril 19, 2017.
  2. "Estrada, PMP no longer part of UNA, son JV clarifies". Philippine Daily Inquirer. Hulyo 1, 2015. Nakuha noong Hulyo 2, 2015.
  3. GMA NEWS.TV, Erap's PMP questions EDSA 2 constitutionality (sa Ingles)
  4. abs-cbnnews.com, Lim resigns as PMP president[patay na link] (sa Ingles)
  5. newsinfo.inquirer.net, Mayor Lim resigns from Estrada party Naka-arkibo 2008-08-23 sa Wayback Machine. (sa Ingles)