Si Regimo de Raja (namatay noong 1513)[1] ay isang Lusung (Luções, taga-Luzon) na heneral, gobernador at magnate sa mga pampalasa kung saan nakahanap siya ng trabaho sa Malakang Portuges. Maimpluwensya siyang tao at itinalaga siya ng mga Portuges bilang isang Temenggung (sulat Jawi: تمڠݢوڠ)[2] o isang gobernador at pulis-punong heneral na responsable sa pangangasiwa ng kalakalang pandagat, nagpoprotekta sa monarkiyang pamahalaan at pagbabantay sa estado. Bilang isang Temenggung, siya rin ang pinuno ng isang hukbong dagat kung saan nangalakal at pinrotektahan ang komersyo sa pagitan ng kipot ng Malaka, dagat timog Tsina,[3] at mga sinaunang kaharian at bayan sa Pilipinas.[4][5] Itinuloy ng kaniyang ama at asawa ang kaniyang hanapbuhay sa kalakalang pandagat matapos ang kaniyang kamatayan.[6]