Ricardo Paras

Ricardo Paras
Ikawalong Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas
Nasa puwesto
2 Abril 1951 – 17 Pebrero 1961
Appointed byElpidio Quirino
Nakaraang sinundanManuel Moran
Sinundan niCesar Bengzon
Personal na detalye
Isinilang17 Pebrero 1891
Boac, Marinduque
Yumao25 Nobyembre 1984(1984-11-25) (edad 93)

Si Ricardo Paras ang pangwalong Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas. Isinilang siya noong ika-17 ng Pebrero taong 1891 at namatay noong ika-25 ng Nobyembre taong 1984. Nagsilbi siya simula ika-2 ng Abril taong 1951 hanggang ika-17 ng Pebrero taong 1961.

Nagtapos siya ng kursong Law sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1913 at pumangalawa kay Manuel Roxas sa Bar Examination nang nasabing taon. Nahalal siya sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas noong 1919. Natalaga siyang hurado noong taong 1924 at di naglaon ay naitalaga as Hukuman ng Apelado noong 1936. Naging katulong na hurado siya noong 1941, at naging kasapi ng hukuman noong panahon ng giyera sa panahon ng pananakop ng mga Hapones.

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Cruz, Isagani A. (2000). Res Gestae: A Brief History of the Supreme Court. Rex Book Store, Manila
Sinundan:
Manuel Moran
Punong Mahistrado ng Pilipinas
1951-1961
Susunod:
Cesar Bengzon


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.