Ang Romanus Pontifex, Latin para sa "Mula sa Obispong Romano"[1] ay isang bula ng papa na isinulat noong Enero 8, 1455 ni Papa Nicolas V para kay Haring Alfonso V ng Portugal. Bilang kasunod ng bull ng papa na Dum Diversas, kinumpirma nito sa Korona ng Portugal ang pananaig sa lahat ng mga lupaing natuklasan o nasakop sa Panahon ng Pagtuklas. Kasama ng paghikayat sa pagsunggab ng mga lupain ng mga Turkong Saracen at mga pagano, inulit nito ang pagpayag ng mas maagang bull para sa pang-aalipin ng mga tao. Ang pangunahing layunin ng bull na ito ay pagbawalan ang ibang mga bansang Kristiyano sa paglabag sa mga karapatan ng hari ng Portugal ng pangangalakal at kolonisasyon ng mga rehiyong ito.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Katolisismo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.