![]() | Kailangang isapanahon ang artikulong ito. |
Ron Steele | |
---|---|
College | Alabama |
Conference | SEC |
Sport | Basketball |
Position | Guard |
Class | Junior |
Major | Secondary Education |
Career | 2004 – present |
Height | 6 tal 3 pul (1.91 m) |
Weight | 185 lb (84 kg) |
Nationality | USA |
Born | Birmingham, Alabama | 22 Abril 1986
High school | John Carrol Catholic, Birmingham, Alabama |
Si Ronald Steele (isinilang noong April 22, 1986 sa Birmingham, Alabama) ay Amerikanong manlalalaro ng basketball sa college basketball para sa University of Alabama.[1] Pinataas niya ang kanyang NBA draft profile sa kanyang taon bilang sophomore. nagdesisyon siyang bumalik sa junior year, ng sa gayon ay makapasok sa first round draft pick sa 2007 NBA Draft. Si Ronald Steele ay may kapasidad na umiskor sa loob, sa perimeter, kumuha ng mga rebounds, at ang mga ito ang nagpatunay sa kanyang maraming kaaalaman sa pagalalaro ng basketball. Siya ay pumasok sa John Caroll High School at pinamunuan ang eskwelahan sa walang talong record na 36-0 sa kanyang junior season.
Noong August 2006, si Ronald Steele ay pumasok sa basketball camp na pinapatakbo ng isang alamat na manlalaro sa larangan ng basketball na si Michael Jordan. Matapos siyang bigyan ng mga karagdagang kaalaman at mga papuri, inimbitahan siya ni Jordan na maglaro sa two-on-two pickup game.[2]
Pinatunayan ni Ronald Steele na ang kanyang pagbabalik sa eskwela ay tamang desisyon. Pinamunuan niya ang koponan sa isang magandang simula at ito ay napabilang sa top 10 ranking. Nagkaroon si Ronald Steele ng sunod-sunod na injury sa gitna ng season. Knee tendinitis at mahigpit na ankle sprains ang pumigil sa kanya upang magalaro sa kanyang 100%. Subalit si Ronald Steele ay desidido na tulungan ang kanyang koponan kaya't kabila ng sakit siya ay nagpatuloy na maglaro at pamunuan ang kanyang koponan. Sa gitna ng Pebrero, hindi pa tuluyang gumagaling ang mga injury ni Steele at inaasahan na hindi pa siya makakapasok sa 2007 NBA Draft.