Daglat | JBC |
---|---|
Layunin | Nagrerekomenda ng hihirangin sa Hudikatura |
Kinaroroonan | |
Kasapihip | 7
|
Tagapangulo | Alexander Gesmundo |
Parent organization | Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas |
Website | jbc.judiciary.gov.ph |
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng: Politika at pamahalaan ng Pilipinas |
Tagapagbatas |
Panghukuman |
Mga kaugnay na paksa |
Ang Sangguniang Panghukuman at Pang-abogasya (Ingles: Judicial and Bar Council o JBC) ng Pilipinas ay isang lupon na nilikha ng konstitusyon na nagrerekomenda ng mga hinirang para sa pagkabakante na maaring mangyari sa komposisyon ng Kataas-taasang Hukuman, ibang mga mas mababang hukuman, at ang Lupon ng Edukasyong Legal, at ang mga tanggapan ng Tanodbayan, Diputadong Tanodbayan, at ang Natatanging Tagausig.
Binubuo ang Sanggunian ng isang kinatawan sa Pinagsamang Abogasya, isang propersor ng batas, isang retiradong kasapi ng Kataas-taasang Hukuman, at isang kinatawan ng pribadong sektor. Sila ang mga kasaping "regular", taliwas sa Kalihim ng Katarungan at sa isang kinatawan ng Kongreso na mga kasaping ex officio. Ang Punong Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ang tagapangulong ex officio,[1] habang magsisilbi ang Klerk ng Kataas-taasang Hukuman bilang kalihim na ex officio.[2]
Manonomina ang mga kasaping regular ng Pangulo na may pagpayag ng Komisyon sa Paghirang para sa terminong apat na taon. Bagaman, yayamang magiging pasalit-salit ang mga termino, ang unang pangkat ng kasapi ay iba ang haba ng serbisyo; magsisilbi ng apat na taon ang kinatawan ng Pinagsamang Abogasya, tatlong taon sa propesor ng batas, dalawang taon sa retiradong Mahistrado, at isang taon sa kinatawan ng pribadong sektor.[3] Bibigyan ang mga susunod na mga kasapi ng buong terminong apat na taon.
Hinihirang ang Punong Mahistrado ng pangulo mula sa maikling tala ng sinumite ng JBC. Ang Kalihim ng Katarungan, bilang kasapi ng Gabinete, ay hinihirang ng pangulo sa payo at pagpayag ng Komisyon sa Paghirang. Hinahalal ng kamara ang miyembro ng Kongreso kung saan nanggaling ang kasapi.
Pinapahintulutan ang mga kasaping regular na muling hirangin na walang limitasyon. Nagsisilbi ang Kalihim ng Katarungan sa kaluguran ng pangulo, habang nagsisilbi ang kinatawan ng Kongreso hanggang inurong sila ng kamara, o hanggang natapos na ang termino ng Kongreso na nagpangalan sa kanila. Sa huli, magsisilbi ang Punong Mahistrado hanggang mandatoryong pagreretiro ng 70 taong gulang. Nagsisimula ang termino ng kasaping regular sa Hulyo 9.
Noong 2012, isang petisyon sa Kataas-taasang Hukuman ang kinuwestyon kung sino ang uupo sa nilaan sa para sa Kongreso. Sa panahong iyon, may dalawang kasapi ng Kongreso sa sanggunian, na may parehong karapatan sa pagboto: ang tagapangulo ng Komite sa Katarungan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ng Pilipinas at ang tagapangulo ng Komite ng Katarungan at Karapatang Pantao ng Senado.[4] Nagpasya ang Korte Suprema noong 2013 na dapat isa lamang ang miyembro ng JBC mula sa Kongreso; hinayaan ng korte sa Kongreso kung sino sa dalawa ang magiging kinatawan nito sa JBC.[5]
Ang sanggunian ay ang tanging lupon sa pamahalaan na may kasapi na mula sa lahat ng sangay ng pamahalan, maliban sa mga lupon na ad hoc o tagapayo.
Ang tungkulin ng Sanggunian ay upang magrekomenda sa mga kinatawan ng mga posibleng hihirangin sa Hudikatura.[6]
Pipili ang pangulo mula sa mga nominado; dati maaring hilingin ng pangulo sa Sanggunian na inomina ang iba at idagdag sa tala, subalit hindi na ito pinapahintulot. Noong 2009, hiniling ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa sanggunian na magdagdag pa ng maraming nominado sa dalawang nabakanteng puwesto sa Kataas-taasang Hukuman. Tinanggihan ng sanggunian ang hiling.[7] Hinirang ni Arroyo ang nasa listahan.[8]
Magiging kasapi ng Hudikatura ang indibiduwal na pinili ng pangulo, at hindi na ito susuriin ng Komisyon sa Paghirang. Ginagawa ito upang iwasan ang pamumulitika at negosasyon sa mga partidong pampolitika.
Sinabi ng dating Punong Mahistrado Artemio Panganiban na ang pangunahing layunin ng Sanggunian ay upang hikayatin ang pinakamagaling at pinakakamatalino sa hudikatura at manatili sila doon.
Ang mga kasapi ng JBC ay:[9]
Kasapi | Simula ng termino | Takdang katupusan ng termnio | Kinakatawan | Uri | Hinirang ni | ||
---|---|---|---|---|---|---|---|
1 | Alexander Gesmundo | Abril 5, 2021 | Nobyembre 6, 2026 | Punong Mahistrado | Tagapangulong ex officio | Rodrigo Duterte | |
2 | Jesus Crispin Remulla | Hunyo 30, 2022 | Nagsisilbi sa kaluguran ng pangulo | Kalihim ng Katarungan | Kasaping ex officio | Bongbong Marcos | |
3 | Francis Tolentino* | Hulyo 26, 2022 | Hunyo 30, 2025 | Kongreso | Senado | Ika-19 na Kongreso | |
Juliet Marie Ferrer* | Kamara de Representante | ||||||
4 | Erlinda Piñera Uy[10] | Hulyo 21, 2023 | Hulyo 9, 2027 | Pinagsamang Abogasya | Kasaping regular | Bongbong Marcos | |
5 | Nesauro Firme | Hulyo 11, 2022[11] | Hulyo 9, 2026 | Akademya | Bongbong Marcos | ||
6 | Jose Mendoza | Oktubre 4, 2017 | Hulyo 9, 2025 | Retiradong mahistrado ng Korte Suprema | Rodrigo Duterte | ||
7 | Toribio Ilao Jr. | Oktubre 26, 2016 | Hulyo 9, 2024 | Pribadong sektor | Rodrigo Duterte |
*Sa ilalim ng kasalukuyang kasunduan, uupo ang kongresista mula Enero hanggang Hunyo, habang uupo ang senador mula Hulyo hanggang Disyembre. Isang kinatawan lamang ang uupo sa kahit anumang oras.
Bilang isang bagay ng tradisyon, ang dalawang pinaka-senyor na kasamang mahistrado ng Korte Suprema ay makikilahok din sa deliberasyon ng JBC: