Ang mga Seksersisyo (Ingles: sexercise) ay mga ehersisyong ginagawa habang nakikipagtalik, habang naglalaro bago makipagtalik, mga ehersisyo bilang paghahanda sa gawaing seksuwal na dinisenyo upang maitono, bumuo, at magpalakas ng mga masel. Kadalasang ginagawa ang mga seksersisyo bilang bahagi ng isang diyetang pangpagtatalik o diyetang pangseks, isang estilo ng pamumuhay na nagpapaigting ng mga benepisyong pangkalusugan ng regular na pagtatalik na hindi kinasasangkutan ng rehimeng nakabatay sa pagkain. Habang ito ay isang normal na ehersisyong kailangan ng tulong ng isang kapareha, ang masturbasyon ay maaari ring ituring na isang uri ng seksersisyo, kung isinasagawang atletiko na ang kaisipan ay para sa kalusugan at kaangkupan ng katawan.
Sinasaklawan ng seksersisyo ang mula sa ehersisyong Kegel hanggang sa ehersisyong aerobiko at mga rutinang kardyobaskular. Ang pleksibilidad para sa pagsasagawa ng mga kontorsiyon na talagang para sa mga posisyong seksuwal o posisyong erotiko ay maaari ring isagawa. Ang pinaka madalas ay ang pagbubuka ng mga binti at hita kapag nasa posisyong misyonaryo, at ang pagbaluktot o pag-arko ng likod para sa estilong parang aso. Ang maigting na pangpaharapang pagbaluktot ay maaaring gawin bilang pag-abot sa naisagawa nang autofellatio at ang inaasahang magagawa na, at iginuguhit, at nasa imahinasyong autocunnilingus. Ang Rutinang Faye Rice ay isang mabibigyang-pansing serye ng mga seksersisyong napaunlad noong kalagitnaan at hulihan ng dekada 1980.