Isang mahabang gumagapang na pako ang halamang ito na may itim na kaliskis at tangkay na maaring umabot sa hanggang 20 m. Nakaayos sa dalawang gilid ang dahon nito na nasa 30–100 cm ang haba, at mga tangkay na nasa 7–20 cm ang haba, at may ovate lanceolate pinnae na nasa 10–15 cm ang haba at 1.5–4.5 cm ang lapad. Mahaba at makitid ang sporophylls nito at mala-kayumanggi ang kulay ng sorus nito sa ilalim.[5]
Natagpuan ang pinaghiwalay na mga acylated flavonol glycoside mula sa pako na ito na mayroong aktibidad sa kontra bakterya.[6] Ang hinandang krudo o bahagyang purong katas mula sa pako ay nakitaan ng mayroong aktibidad pangontra-fungus,[7] antioksidante,[8] at antiglucosidase.[9]
Ipinangalan sa halamang ito ang distrito ng Diliman sa Lungsod Quezon.[10]Latin para sa "ng latian" ang palayaw o epithet na palustris, at ipinapahiwatig ang karaniwang tirahan.[11]
Sa estado ng Sarawak sa Malaysiya, tinatawag ang halaman bilang "Midin". Isang tanyag na pagkain ang halaman sa mga tagarito. Kadalasang inihahain ang mga batang dahon na prinito na nilagyan ng bawang, tuyong hipon, o bagoong na hipon (belacan).[12][13] Sa Sabah, tinatawag itong "Lembiding". Niluluto din ito kadalasan na may sardinas o belacan.
↑Compendium of medicinal plants used in Malaysia. 2002, vol 2. Herbal Medicine Research Centre, Institute for Medical Research, Kuala Lumpur, Malaysia. (sa Ingles)
↑Benjamin, A. and V.S. Manickam. 2007. Medicinal pteridophytes from the Western Ghats. Indian Journal of Traditional Knowledge. 6: 611-618. (sa Ingles)
↑Tanaka, Yoshitaka; Van Ke, Nguyen (2007). Edible Wild Plants of Vietnam: The Bountiful Garden (sa wikang Ingles). Thailand: Orchid Press. p. 58. ISBN978-9745240896.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)