Kilala rin bilang | Panununtukan, Pangamot, Pilipinong Boksing, Mano-mano, Panantukan, Tumbukan, Maduming Boksing |
---|---|
Katigasan | Iba't iba |
Bansang pinagmulan | Pilipinas |
Mga sikat na praktista | Eduard Folayang, Gabriel "Flash" Elorde, Francisco "Pancho Villa" Guilledo, Ceferino Garcia, Estaneslao "Tanny" del Campo, Buenaventura "Kid Bentura" Lucaylucay, Dan Inosanto, Anderson Silva |
Palaro sa Olympiko | Hindi |
Ang suntukan ay isang sining pandigma ng Pilipinas na ginagamit ang kamao sa pagsuntok tulad ng sa boksing. Sa gitnang kapuluang rehiyon ng Pilipinas sa Kabisayaan, kilala ito bilang pangamot o pakamot at sumbagay. Tinatawag din itong mano-mano (na hango sa Kastila na mano a mano na literal na nangangahulugan bilang "kamay sa kamay") at kadalasang tinutukoy sa mga kapisanan ng mga Kanluraning sining pandigma ng angkan ni Inosanto bilang panantukan. Bagaman tinatawag din itong Pilipinong Boksing, tinutukoy nito ang sining pandigma ng Pilipinas at hindi dapat ikalito sa Kanluraning palakasan ng boksing na sinasanay din sa Pilipinas. Sa makabagong panahon, naging isang pangkalahatang katawagan ang "suntukan" sa mga awayan habang nagiging madalas na ipinapahiwatig ng katawagang "panantukan" ang aktuwal na sining pandigma.[1]
Nagmula ang katawagang Tagalog na "suntukan" sa salitang ugat na suntok. Sa gayon, ang suntukan ay nangangahulugan bilang pag-aaway gamit ang kamao. Maari din itong maging kasing-kahulugan ng awayan o boksing. Nagmula naman ang mga salitang Bisaya na "pangamot" at "pakamot" ("gamit ang mga kamay") sa salitang ugat para sa kamay, ang "kamot". Binabaybay at binibigkas din ito sa sa wikang Bisaya bilang "pangamut" at "pakamut." Nagmula naman ang katawagang "mano-mano" mula sa salitang Kastila para sa "kamay", ang "mano", at maaring isalin bilang "dalawang kamay" o "kamay sa kamay." Kadalasang ginagamit ang katagang "Mano-mano na lang, o?" upang tapusin ang argumento kapag sumiklab ang init ng ulo na karanawiang nakikita sa mga kalalakihan sa lipunang Pilipino. Isang kontemporaryo katawagan ang "Pilipinong Boksing" na ginagamit ng iilang tagapagturo upang isalarawan ang "suntukan."[1]
Ang "panantukan" (kadalsang mali ang pagtukoy bilang "panantuken" ng mga nagsasanay sa Estados Unidos dahil sa paraan ng pagbikas ng mga Amerikano sa mga titik na U at A) ay isang pagpapaikli ng katawagang Tagalog na "pananantukan," sang-ayon kay Dan Inosanto.[2] Pangkalahatang naiuugnay ito sa walang laman na kamay at sistema ng boksing na pinagsama ng mga tagapanguna ng sining pandigma ng Pilipinas na sina Juan "Johnny" Lacoste, Leodoro "Lucky" Lucaylucay at Floro Villabrille[3] sa bahagi ng sining pandigma ng Pilipinas ng sistema ng pakikipaglaban ng Akademya ni Inosanto at Jeet Kune Do na nabuo sa Kanlurang Baybayin ng Estados Unidos. Ang pananantukan, na nakuha ni Inosanto sa kanyang mga nakakatandang tagapagturong Bisaya, ay isang korupsyon ng "panununtukan." Habang hindi perpekto ang pananagalog ng mga tagapagturo niya (Waray si Lacoste at medyo bago ang wikang Filipino na batay sa Tagalog nang lumipat sila sa Estados Unidos), sanay na sanay sila sa sining pandigma ng Pilipinas. Sinasabi din, sa orihinal, nais ni Lucaylucay na tawagin ang kanyang sining bilang "suntukan," subalit nag-aalala siya na maipagkalito ito sa shotokan karate, kaya ginamit niya ang katawagang "panantukan" sa halip.[4][5][6][7]
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Disyembre 11, 2020
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: Check date values in: |archive-date=
(tulong)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)