Swardspeak | |
---|---|
Swardspeak, Gay Lingo, Badette, Chuva, Chuvanese, Gayspeak | |
Pidgin
| |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-3 | – |
Ang Swardspeak, Gay language, (kilala rin bilang "Bekimon" at "gay lingo") ay isang patagong wika o salitang balbal na nagmula sa Englog (pagpapalit wika ng Tagalog-Ingles ) na ginagamit ng ilang mga Homoseksuwal sa Pilipinas.[1]
Ang Swardspeak ay gumagamit ng ilang salita mula sa Tagalog, Ingles, Kastila, at ilan mula sa Hapon, pati na rin sa pangalan ng mga kilalang tao at tatak, na nagbibigay sa kanila ng mga bagong kahulugan sa iba’t ibang konteksto.[2] Ito ay mapapansin sa mga komunindad na may mga homoseksuwal kung saan gumagamit rin ng mga salitang nanggaling mula sa mga lokal na wika o diyalekto kabilang na ang Cebuano, Hiligaynon, Waray at Bikolano.
Isang natatanging katangian ng swardspeak ay agad na natutukoy na ang nagsasalita nito ay isang homoseksuwal, ginagawa nitong madali para sa mga taong may parehong oryentasyon na makilala ang bawat isa. Lumilikha ito ng isang eksklusibong grupo ng mga nagsasalita nito at tinutulungan ang mga ito na labanan ang pagkawala ng kanilang pagkakakilanlan. Gayumpaman, sa kasalukuyan, kahit ang mga hindi kasapi ng homoseksuwal na komunidad ay ginagamit ang ganitong paraan ng pananalita, partikular sa mga heterosekswal na kabilang sa mga industriya na pinangungunahan ng mga homoseksuwal tulad ng fashion at industriyang pampelikula.
Sa pamamagitan ng paggamit ng swardspeak, ang mga Pilipinong homoseksuwal ay magagawang labanan ang nangingibabaw na kultura ng kanilang lugar at lumikha ng puwang para sa kanilang sarili.[3] Ang wika ay patuloy na nagbabago, ang mga dati nang mga parirala na nagiging laos na at bagong parirala na madalas na pumapasok sa pang araw-araw na paggamit, ay nagpapakita ng pagbabago sa kanilang kultura at pananatili ng pagiging eksklusibo. Ang pabago-bagong katangian ng wika na si nananatili sa iisang kultura at nagbibigay daan para sa karagdagang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin ng mga nagsasalita nito. Ang mga salita at parirala ay maaaring likhain bunga ng mga uso. Sa pamamagitan ng mga katangiang ito, ang swardspeak ay lumilikha ng grupo nang walang anumang kinalaman sa heograpikal, lingguistikal o cultural na limitasyon at sa gayon ay nagpapahintulot sa mga nagsasalita nito na hubugin ang wika sa tamang mga pagkakataon. Sa ganitong paraan, ang wika ay hindi lamang “mobile” at bahagi ng isang mas malaking komunidad, kundi pati na rin bukas para sa mas tiyak o lokal na mga kahulugan.[4]
Ang mga homoseksuwal na nagsasalita sa wikang ito na halos eksklusibo ay pabirong tinatatawag na Bekimons (isang pagpapaikli ng Baklang Jejemon,’Gay Jejemons’).[5] Ang Swardspeak ay sinasalita rin ng mga babaeng bakla, mga kababaihan na iniuugnay ng eklusibo o karamihan sa mga baklang lalaki (literal na 'gay women', bagaman ang mga ito ay aktwal na heterosekswal).[2]
♡
Ang salitang "Swardspeak", ayon kay Jose Javier Reyes, ay ginamit ng kolumnista at kritikong pampelikula na si Nestor Torre noong 1970s. Sumulat mismo si Reyes ng aklat patungkol sa paksa na pinamagatang "Swardspeak: A Preliminary Study" (Swardspeak: Isang Paunang Pag-aaral).[6] "Sward" ay isang salitang balbal para sa 'gay male' (baklang lalaki) sa Pilipinas.[7] Ang pinagmulan ng mga salita at parirala, gayumpaman, ay umiiral na at nanggaling mula sa iba’t ibang mga mapagkukunan.[8]
Ang Swardspeak ay isang anyo ng pabalbal na salita (samakatuwid ay lubos na pabago-bago), di tulad ng mga kolokyal na binuo sa mga nauna nang mga wika. Ito ay sadyang nagbabago o lumilikha ng mga salitang kahawig ng mga salitang galing sa ibang wika, lalo na ang Ingles, Hapon, Intsik, Espanyol, Pranses, at Aleman. Ito ay kaakit-akit, matalino, at nakakatawa na may mga bokabularyong nagmula sa popular na kultura at rehiyonal na pagkakaiba-iba.[9] Ito ay hindi maintindihan ng mga taong hindi pamilyar sa kultura ng mga Pilipinong homoseksuwal o hindi alam ang mga patakaran sa pagggamit.[10] Walang pormal na mga patakaran sa paggamit nito, ngunit ang ilan sa mga mas karaniwang barirala ay ipinapakita sa sa ibaba:[1]
Swardspeak | Orihinal na Salita | Pinagmulang Wika |
---|---|---|
Jowa (isa pang tawag: Jowabelle) | Asawa (husband, boyfriend) | Tagalog |
Jonta | Punta (to go [to a place]) | Tagalog |
Shupatid (naglaon ay naging Jupiter) | Kapatid (sibling) | Tagalog |
Julaylay | Alalay (assistant) | Tagalog |
Swardspeak | Orihinal na Salita | Pinagmulang Wika |
---|---|---|
Kyota | Bata (child) | Tagalog |
Nyorts | Shorts | Ingles |
Nyormville | FarmVille | Ingles |
Kyoho | Mabaho (smelly) | Tagalog |
Swardspeak | Orihinal na Salita | Pinagmulang Wika |
---|---|---|
Jotis (a very small amount) | Dyotay (a small amount) | Cebuano |
Jubis (very fat) | Obese | Ingles |
Wish/Wash (nothing) | Wala (nothing) | Tagalog |
Taroosh (very bitchy) | Taray (bitchy) | Tagalog |
Ititch (this one) | Ito (this one) | Tagalog |
Anech (what, usually exclamatory) | Ano (what) | Tagalog |
Swardspeak | Orihinal na Salita | Pinagmulang Wika |
---|---|---|
Heller | Hello | Ingles |
Churchill | Panlipunan (high society) | Tagalog (mula sa Kastilang 'Social') |
Kalurkey | Kaloka (insanely [entertaining], maddening, crazy) | Tagalog (mula sa Kastilang 'loca') |
Gander | Ganda (beautiful) | Tagalog |
Swardspeak | Orihinal na Salita | Pinagmulang Wika |
---|---|---|
Ilij (no, not) | Dili (no, not) | Cebuano |
Bayu (lover, boyfriend) | Uyab (lover) | Cebuano |
Nial (bad, unpleasant) | Lain (bad, unpleasant) | Cebuano |
Swardspeak | Orihinal na Salita | Pinagmulang Wika |
---|---|---|
Crayola (to cry, to be sad) | Cry | Ingles |
Antibiotic (obnoxious, unpleasant) | Antipatika (obnoxious, unpleasant) | Tagalog (mula sa Kastilang 'antipática') |
Liberty (free) | Libre (free) | Tagalog (mula sa Kastilang 'libre') |
Career/Karir ('to take seriously', used as a verb) | Career | Ingles |
Fillet O'Fish (to be attracted to someone) | Feel (to sympathize) | Ingles |
Kape / Capuccino / Coffeemate (to be realistic) | 'Wake up and smell the coffee.' (a Philippine English humorous corruption of 'Wake up and smell the roses') | Philippine English |
Wrangler (old, particularly old gay men) | Gurang (old) | Hiligaynon |
Chiminey Cricket (housemaid) | Deliberate corruption of Jiminy Cricket, Chimay (Tagalog slang for housemaid) | Tagalog |
Pocahontas (prostitute) | Pokpok (slang for 'prostitute) | Tagalog |
Pagoda Cold Wave Lotion (tired, exhausted) | A locally available brand of lotion, Pagod (tired, exhausted) | Tagalog |
Mudra (mother, also used to refer to female friends with children) | Madre (mother) | Kastila |
Hammer (prostitute) | Pokpok (slang for 'prostitute), Pokpok (onomatopoeic Tagalog word 'to pound', 'to hammer') | Tagalog, Ingles |
Biyuti/Beyooti (beautiful, pretty) | Beauty, word play of Cebuano Bayot ('gay') | Ingles, Cebuano |
Silahis (bisexual male) | Silahis ([sun]beam, ray) | Tagalog |
Boyband (fat kid) | A pun on Baboy (Tagalog for 'pig') | Tagalog, Ingles |
G.I. Joe (A foreign lover, particularly American) | Acronym for 'Gentleman Idiot' | Ingles |
Opposition Party (A social occasion with a lot of expected problems) | Pun on Opposition (politics) | Ingles |
Swardspeak | Orihinal na Salita/Konsepto | Pinagkunan |
---|---|---|
Julie Yap-Daza (to be caught [cheating]) | Huli (Tagalog 'to be caught') | 'Julie' rhymes with 'Huli' and Julie Yap-Daza is a writer locally famous for writing the book 'Etiquette for Mistresses'[11] |
Gelli de Belen (jealous) | Jealous | Gelli de Belen |
Tommy Lee Jones (hungry) | Tom-guts (Tagalog syllable switching slang for 'gutom', hungry) | Tommy Lee Jones |
X-Men (formerly appearing to be heterosexual, coming out, especially from being hypermasculine to effeminate) | 'Ex-man' | X-Men |
Fayatollah Kumenis (thin) | Payat (Tagalog 'thin') | Ayatollah Khomeini |
Barbra Streisand (to be rejected bluntly, blocked) | Bara (Tagalog 'to block') | Barbara Streisand |
Murriah Carrey (cheap) | Mura (Tagalog 'cheap') | Mariah Carrey |
Lupita Kashiwahara (cruel) | Lupit (Tagalog 'cruel') | Lupita Aquino-Kashiwahara (A Filipina Movie and TV director) |
Carmi Martin (karma) | Karma | Carmi Martin |
Rita Gomez (irritating, annoying) | Nakaka-irita (Tagalog 'irritating') | Rita Gomez |
Mahalia Jackson (expensive) | Mahal (Tagalog 'expensive', 'precious', 'dear') | Mahalia Jackson |
Anaconda (traitor, to betray) | Ahas (Tagalog slang, 'to betray', literally 'snake') | Anaconda (film) |
Badinger Z (homoseksuwal) | Bading (Tagalog derogatory slang 'homoseksuwal') | Mazinger Z |
Taxina Hong Kingston ([to wait for a] taxicab) | Taxi | Maxine Hong Kingston |
Noel Coward (No) | No | Noel Coward |
Oprah Winfrey (promise) | Promise | Oprah Winfrey |
Sharon Cuneta (Yes, Sure) | Sure | Sharon Cuneta |
Jesus Christ Superstar/Optimus Prime (Fashion make-over, to change into [more fashionable] clothing) | Resurrection, Transformation | Jesus Christ Superstar, Optimus Prime |
Swardspeak | Kahulugan | Pinagmulang Wika |
---|---|---|
Drama | Melodrama, exaggeration, drama [queen] | Ingles |
Carry/Keri | To carry [oneself well] | Ingles |
Siete Pecados | Nosy, Gossipmonger | Kastila 'seven sins' |
Puñeta | General profanity, roughly equivalent to 'fuck' | Kastila slang, with varying degrees of perceived obscenity. Literally translates as 'in a fist' |
Chiquito | Small | Kastila 'small' |
Coño | High society, especially [affluent] socialites who speak Taglish exclusively | Kastila slang 'vagina' |
Otoko | Manly man | Hapon 男 (otoko) |
Berru | Beer | Hapon ビール (bīru) |
Watashi | Me, I | Hapon 私 (watashi) |
Orihinal na Salin | Salin sa Swardspeak | Tinantyang Salin sa Ingles |
---|---|---|
Ako ay may lobo Lumipad sa langit |
Aketch ai may lobing Flylalou sa heaven |
I had a balloon It flew up in the sky |
Orihinal na Salin | Salin sa Swardspeak | Tinantyang Salin sa Ingles[13] |
---|---|---|
Bahay kubo, kahit munti Ang halaman duon, |
Valer kuberch, kahit jutay Ang julamantrax denchi, |
Nipa hut, even though it is small The plants it houses |
{{cite web}}
: External link in |publisher=
(tulong)
{{cite web}}
: External link in |publisher=
(tulong)
{{cite web}}
: External link in |publisher=
(tulong)
{{cite web}}
: External link in |publisher=
(tulong)
{{cite web}}
: External link in |publisher=
(tulong)
{{cite web}}
: External link in |publisher=
(tulong)
{{cite web}}
: External link in |publisher=
(tulong)
{{cite web}}
: External link in |publisher=
(tulong)