Si Thomas Anthony "Tab" Baldwin, ONZM (ipinaganak 16 May 1958) ay isang tagasanay na taga-New Zealand na tubong Amerikano.
Ipinaganak si Baldwin sa Jacksonville Beach sa Jacksonville, Florida at lumipat ng New Zealand noong 1988 upang isanay ang Otago Nuggets.[1]
Nagawa ni Baldwin na mapasama ang koponan sa NBL mula sa ikalawang dibisyon at noong 1994 ay sumama sa Auckland Stars in 1994.[2] Sa walong season sa Auckland, naipanalo niya ang limang titulo sa NBL (1995, 1996, 1997, 1999 at 2000), at ipinangalang Tagasanay ng Taon ng NBL ng apat na beses (1995, 97, 99 at 2014).
Siya ang nanatiling pinakamatagumpay na tagasanay sa tagasanay ng New Zealand NBL. Nanatili ang pakikipaghabilo ni Baldwin sa Stars bilang kapwa may-ari ng koponan sa walo pang taon pagkatapos magbitiw ng puwesto bilang tagasanay.
Noong 2001, siya ay naging punong tagasanay ng pambansang koponan ng New Zealand. Sa pagpanalo ng 2001 FIBA Oceania championship, Ang Tall Blacks — isang kilalang bansag sa koponan ng New Zealand — ay nakakwalipika para sa 2002 FIBA World Championship, at nakaabot rin ng semi-final ng kampeonato; Ito ang pinakamagandang pagpapakita ng isang koponan mula sa Oceania sa kasaysayan ng kampeonato. Si Baldwin ay ginawang isang Honorary Officer ng New Zealand Order of Merit sa Pagpaparangal sa Bagong Taon 2003, para sa nagawa niya sa basketbol.[3] Para sa kanyang mga tagumpay bilang tagasanay ng koponan ng New Zealand, siya ay ipinangaral bilang tagasanay ng taon sa Halberg award — Ang pinakaprestisiyong parangal sa palakasan sa New Zealand — sa 2001 at 2002.[4][5]
Sinanay rin ni Baldwin ang Banvitspor ng Turkey, PAOK Thessaloniki B.C. ng Gresya at U Mobitelco Cluj ng Romania.
Noong 16 Abril 2010, siya ay ipinangalang punong tagasanay ng Libano.,[6] at sa 15 Agosto 2010, naipanalo niya ang Libano sa Kopang Stanković ng FIBA Asia 2010.[7]
Noong Hunyo 2011, si Baldwin ay naging punong tagasanay naman ng Hordanya.
Noong Disyembre 23, 2014, inanunsyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na si Baldwin ang pagpangalan kay Baldwin bilang punong tagasanay ng Gilas Pilipinas o ng pambansang koponan ng Pilipinas mula 2015-2019. Pinaltan ni Baldwin si Chot Reyes.[8] Ang apat-na-taon na termino ni Baldwin bilang tagasanay ay opisyal na nagsimula noong Enero 1, 2015.[9]
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)