Ang tambalan sa pakikipaglaban, tambalan sa pakikihamok, o tambalan sa pakikidigma (Ingles: joint warfare, team warfare) ay isang doktrinang pangmilitar na naglalagay ng priyoridad o pagtuon na dapat mauna ang pagsasama-sama o integrasyon ng mga sangay ng serbisyong pangmilitar ng mga sandatahang lakas ng isang estado upang maging isang pinag-isang kaatasan. Sa kaibuturan, ang tambalan sa pakikipaglaban ay isang anyo ng pakikidigma na may tambalan ng mga sandata na may sukat na mas malaki at pambansa, kung saan ang mga puwersang pantulong na mula sa hukbong panlupa, hukbong pandagat, hukbong panghimpapawid, at mga hukbong natatangi ay kailangang kumilos na nagtutulungansa mga "operasyong pinagtambal-tambal" (joint operations), sa halip na magplano at magpatupad ng mga operasyong pangmilitar na nakahiwalay mula sa isa't isa. Ang mga operasyong pangmilitar na isinasagawa ng mga sandatahang lakas na nagmumula sa dalawa o mahigit pang mga bansang magkakampi ay paminsan-minsang tinatawag na mga operasyong pinagsama-sama.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Militar ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.