Tamblot

Tamblot
Personal
RelihiyonMga sistemang katutubong paniniwalang Boholano
Nabuhay noong1621–1622
Kilala saSiniklb ang mga katutubo na lumaban sa pagsakop ng mga Kastila sa Bohol
TrabahoBabaylan

Si Tamblot ay isang babaylan sa Barrio Tupas, Antequera, Bohol at pinuno ng pag-alsa sa Bohol laban sa mga Kastila simula 1621 hanggang 1622.[1] Siya ay gumawa ng isang himala upang tutulan ang Kristiyanismo at maibalik ang katutubong paniniwala.[2]

Paglaban ni Tamblot

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong 1621 ay hinamon ni Tamblot ang isang Heswitang pari para patunayan kung sino ang may higit na kapangyarihan kay Hesukristo na sinasamba ng mga Kristiyano o kay Ay Sono na pinaniniwalaan ng mga katutubo.[2] Ang hamon ay kung sinong Diyos ang makakagawa ng pagkain mula sa tangkay ng kawayan.[2] Pagkatapos magdasal ng Heswitang pari ay walang pagkain na nagmula sa pinutol na tangkay ng kawayan. Subalit pagkatapos magdasal ni Tamblot ay may pagkain tulad ng kanin at isda na nagmula sa kanyang pinutol na kawayan.[2][3] Dahil dito ay napaniwala ni Tamblot ang mga dalawang libong Boholano na talikdan ang Katolisismo at mag-aklas laban sa mga Kastila.[3][4]

Sinimulan ng pangkat ni Tamblot ang pag-aklas noong karamihan sa mga Heswitang pari na nasa Bohol ay pumunta ng Cebu para ipagdiwang ang beatipikasyon ni San Francisco Javier.[3] Sinunog nina Tamblot ang mga bayan at mga simbahan na pinangangasiwaan ng mga Heswitang pari at napalaya ang mga bayan ng Malabago, Maribojoc, at Inabanga.[2][3]

Napatay si Tamblot sa paglusob sa kanilang kampo noong Enero 1, 1622 ng mga ipinadalang limampung Kastila at mahigit sa isandaang katutubo mula sa Cebu at Pampanga ni Don Juan de Alcarazo, ang alkalde-mayor ng Cebu noong panahong iyon.[1]

Simbolo ng kabayanihan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Watawat ng Bohol

Sumasagisag kina Tamblot at Dagohoy ang dalawang bolo na nasa watawat ng lalawigan ng Bohol bilang dalawang Boholano na lumaban sa mga dayuhan.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 "Tamblót". Sagisag Kultura. National Commission for Culture and the Arts. Nakuha noong Disyembre 19, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 "Significant battles in Bohol PT 2: Tamblot Resistance". The Bohol Chronicle. Oktubre 29, 2019. Nakuha noong Disyembre 19, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 Halili, Maria Christine N. (2004). Philippine History. Rex Bookstore.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Sino si Tamblot na maipagmamalaki ng Bohol?". GMA News. Mayo 17, 2017. Nakuha noong Disyembre 19, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)