Ang therblig ay isang pangalan sa wikang Ingles para sa isang pangkat ng mga galaw o kislot na kinakailangan upang maisagawa ng isang manggagawa ang kinakamay na operasyon o gawain. Binubuo ang pangkat ng 18 mga elemento, na bawat isa ay naglalarawan ng isinapamantayang aktibidad. Nakatala ang mga ito sa ibaba na katabi ang katumbas na mga salita sa Ingles:
Ginagamit ang therblig sa pag-aaral ng ekonomiya ng mosyon o kilos sa pook ng hanap-buhay o trabaho. Sinusuri ang gawain sa lugar ng pinaghahanapbuhayan sa pamamagitan ng pagtatala ng bawat isa sa mga yunit na therblig para sa isang proseso, na ginagamit ang mga kinalabasan o resulta para sa optimisasyon ng gawaing kinakamay sa pamamagitan ng pag-aalis ng hindi kinakailangang mga galaw.
Binaligtad na anyo ng salita o apelyidong Gilbreth ang therblig, kung saan itinuring na isang titik lamang ang 'th'. Nilikha ito ni Frank Bunker Gilbreth at Lillian Moller Gilbreth, ang mga Amerikanong sikologong umimbento ng larangan ng pag-aaral ng panahon at galaw.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link){{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link){{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)