Tinola

Tinola
Tinolang manok na may sayote at dahon ng labuyo
KursoPangunahing pagkain
LugarPilipinas
Ihain nangMainit
Pangunahing SangkapManok, berdeng papaya, dahon ng siling labuyo, luya, sibuyas, patis
Baryasyon
  • Baboy na may sayote at malunggay
  • Isda na may kamatis
Mga katuladTiyula itum, bulalo

Ang tinola ay isang uri ng Pilipinong sabaw na karaniwang inihahain bilang ulam na sinasabayan ng kanin.[1] Kabilang sa mga sinasahog nito ang manok o isda, mga piraso ng papaya at/o sayote, at mga dahon ng siling labuyo. Tinitimplahan ang sabaw nito ng luya, sibuyas, at patis. [2] Tinotola rin ang isda o iba pang karne.[3]

Sa mga ibang baryante, maaaring palitan ang manok ng isda, pagkaing-dagat, o baboy. Maaaring palitan din ang berdeng papaya ng sayote o upo. Bukod sa dahon ng labuyo, maaaring sahugin ang mga ibang madahong gulay tulad ng petsay, espinaka, malunggay, mustasa, at iba pa. Maaari rin itong dagdagan ng patatas, kamatis at iba pang sahog.[4]

Magkahawig ang tinola sa binakol at ginataang manok, ngunit nag-iiba sila sa paggamit ng katas ng buko at gata, ayon sa pagkabanggit.[5][6] May kaugnayan din ang lauya ng mga Ilokano. Subalit kadalasang ginagamit ang paa ng baboy o baka sa lauya.[7]

Magkahawig na sabaw ang sinabawang gulay (kilala rin bilang utan Bisaya), na sinasahugan ng malunggay at iba pang mga gulay.[8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Tinola: A Favorite Philippine Cuisine" [Tinola: Isang Paborito sa Lutuing Pilipino] (sa wikang Ingles). Philippines Insider. Nakuha noong June 5, 2010.
  2. Laquian, Eleanor at Irene Sobreviñas. Filipino Cooking Here and Abroad, nasa wikang Ingles, 1977 (Unang Taon ng Paglilimbag), National Bookstore, Lungsod ng Maynila, Pilipinas, pahina 104 at 192, ISBN 9710800620
  3. Alexandra Petilla; Rafia Q. Shah; Jyothi Setti; Jose C. Magboo; Amaryllis Garupa Selk; Gita Bantwal; Suzanne Olipane; Madge Kho; Ruchira Handa; Chris Santos-Brosnihan; Jumuna B. Vittal; Roosebelt Balboa; Antoinette G. Angeles; Dr. S. Jayasankar; Sivagama Sundhari Sikamani; Socorro M. Bannister; Blanca G. Calanog; Carmencita Q. Fulgado; Rosario E. Gaddi; Salvador Portugal; Marivic L. Gaddi; Jerry P. Valmoja; Peter Nepomuceno; Carmelita Lavayna; Atonia A. Suller; JoAnn C. Gayomali; Florence T. Chua; Theresa Gatwood; Mama Sita; Century Park Hotel-Manila; The Peninsula Hotel-Manila; Holiday Inn-Manila (1998). Recipe Book of Filipino Cuisine. Pittsburg, Pennsylvania: Naresh Dewan.
  4. "Tinola Manok with Malunggay" [Tinolang Manok na may Malunggay] (sa wikang Ingles). Pinoy Recipe at Iba Pa!. Nakuha noong Hunyo 5, 2010.
  5. "Ginataang Manok (Chicken Stewed in Coconut Milk) Filipino Recipe!" [Pilipinong Resipi para sa Ginataang Manok!]. Savvy Nana's (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 20, 2019.
  6. "Chicken Binakol". Mama's Guide Recipes (sa wikang Ingles). Disyembre 29, 2018. Nakuha noong Abril 20, 2019.
  7. "Lauya (Ilokano Pork Knuckles Stew)" [Lauya (Sinabawang Pata ng Baboy ng mga Ilokano)]. Panlasang Pinoy Meaty Recipes (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 20, 2019.
  8. "Sinabawang Gulay (Utan Bisaya)". Mama's Guide Recipes (sa wikang Ingles). Hulyo 14, 2017. Nakuha noong Abril 20, 2019.

Pagkain Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.