Ang tortang talong, kilala rin bilang eggplant omelette,[1] ay isang torta sa lutuing Filipino na gawa sa pagprito ng buong talong na isinawsaw sa pinaghalong itlog.[2][3] Isa itong sikat na pang-almusal at pananghalian sa Pilipinas. Isang karaniwang baryante ng tortang talong ang relyenong talong, na pinalamanan ng karne, lamang dagat, at/o mga gulay. Minsan pinapaikli ang pangalan sa tortalong.[4]
Sa saligang resipi ng tortang talong, iniihaw ang buong talong hanggang sa malambot ang laman at mukhang sunog at halos itim na ang balat. Maaari itong gawin sa parilya, baking pan, o sa ibabaw ng direktang apoy habang nakabalot ang talong sa palara (maaaring sa ibabaw ng gasera). Itong pag-iihaw ang nagbibigay ng lasang usok sa talong. Pagkatapos, binabalatan ang talong, ngunit iniiwan ang tangkay. Minamasa ang laman gamit ang tinidor at isinasawsaw ito sa timpla ng binating itlog na nirekaduhan ng asin at mga espesya ayon sa kagustuhan. Piniprito ang talong hanggang sa ginintuang kayumanggi at malutong ang balat, habang malambot at makrema pa rin ang loob.[5][6][7][8]
↑Heussaff, Erwan. "Tortang Talong". Tastemade (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 6, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑Smallwood, April. "A Filipino's Food Pride Runs Deep" [Malalim ang Pagmamalaki ng Pagkain ng Isang Pilipino]. Munchies (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 6, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)