"U.P. Naming Mahal" ("U.P. Beloved") Awit ng Unibersidad ng Pilipinas | |
Logo ng Unibersidad ng Pilipinas | |
Sinulat ni | Teogenes Velez |
---|---|
Musika ni | Nicanor Abelardo |
Published | 1917 |
Written | 1917 |
Wika | Orihinal sa ingles, ngayon sa Filipino |
Performed by | UP Concert Chorus |
Ang U.P. Naming Mahal ay ang awiting pampamantasan ng Unibersidad ng Pilipinas. Ang himig para sa awitin ay isinulat ni Nicanor Abelardo, isang alumnus at dating guro ng Kolehiyo ng Musika sa U.P. Si Abelardo ay maituturing isa sa mga pinakamagaling na musikero sa Pilipinas . Dahil ang orihinal na eskala para sa awitin ay nasa B flat major, na masyadong mataas para sa pangkaraniwang boses, ang mga propesor ng Konserbatoryo ng Musika (ngayon ay Kolehiyo ng Musika) na sina Hilarion Rubio and Tomas Aguirre ay ibinago ng himig sa G major.
Ang original na titik sa Ingles (pinamagatang "U.P. Beloved") ay nakuha mula sa isang tula ni Teogenes Velez, isang mag-aaral ng Liberal Arts. Ang pagsalin sa Filipino ay isang bahagi ng mga pitong naipasa sa isang patimpalak ginawa ng Unibersidad. Ang mga hurado ay hindi nasiyahan sa mga pitong pagsalin sa awitin na ito.[kailangan ng sanggunian]