Ube halaya

Ube halaya
Ube halaya na sinahugan ng latik
Ibang tawagHalayang ube, nilupak na ube, ube jam, purple yam jam
KursoPanghimagas
LugarPilipinas
Ihain nangmalamig
Pangunahing SangkapNilupak na ube, gata at/o kondensada, at mantikilya

Ang ube halaya o halayang ube (alternatibong pagbaybay halea, haleya; mula sa jalea ng Kastila) ay isang panghimagas ng Pilipinas na gawa sa pinakuluang at nilupak na ube (dioscorea alata).[1] Ginagamit din ang ube halaya sa mga pastelerya at iba pang mga panghimagas tulad ng halo-halo at sorbetes. Karaniwan itong pinapaingles bilang ube jam, o tinawag na nilupak na ube, ang orihinal na pangalan nito.

Ang pangunahing sangkap ay binalatan at pinakuluang ube na ginagadgad at nilulupak. Inilalagay ang nilupak na ube, na may kondensada (orihinal na pinatamis na gata), sa isang kasirola na mayroong tunaw na mantikilya o margarina. Hinahalo ang sahog hanggang lumapot ito. Pagkalapot nito, pinapalamig ito at inilalagay sa isang bandehado o sa mga lalagyan ng iba't ibang mga hugis.

Kadalasang inihahain ang ube halaya nang malamig, pagkatapos na eladuhin. Kasama sa mga opsyonal na sahog ang pinakayumanggi at ginadgad na niyog, latik, o kondensada.

Ang ube halaya ay isang klase ng nilupak na mayroong iilang mga uri na gumagamit ng iba pang mga uri ng magawgaw na lamang-kati o prutas. Kadalasan, inilalaan ang salitang halaya para sa nilupak na gawa sa ube, habang ang nilupak ay mas karaniwang ginagamit para sa mga uri na ginawa gamit ang nilupak na kamoteng-kahoy o saba. Ang mga uri na gawa sa kamote at gabi ay maaaring itukoy bilang halaya o nilupak.

Ang ube halaya na inihahain kasama ang macapuno ay isang kilalang kombinasyon na kilala bilang ube macapuno. Ginagamit din ang kombinasyon sa iba pang mga kaluto ng ube, tulad ng sa mga ubeng keyk at ubeng sorbetes.[2][3]

Kamote halaya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kamote halaya, na kilala rin bilang "camote delight" o "sweet potato jam", ay isang uri na gumagamit ng nilupak na kamote sa halip ng ube. Magkatulad ang paghahanda nito sa ube halaya. Kanaryo ang kulay nito.[4][5] Ayon sa kaugalian, kilala ito bilang nilupak na kamote, lalo na kung inihahain sa mga dahon ng saging.[6]

Halayang kalabasa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang halayang kalabasa, na kilala rin bilang "squash halaya " o "pumpkin jam", ay isang uri na gumagamit ng nilupak na kalabasa. Magkatulad ang paghahanda nito sa ube halaya. Karaniwang kulay-kahel o kupasing kayumanggi ito.[7][8]

Ang binagol ay isang natatanging bersyon mula sa Silangang Kabisayaan na gumagamit ng nilupak na kalislindigsuloy ng gabi. Ibinebenta ito sa mga hinating bao. Ang kulay nito ay maaaring nasa pagitan ngkulay-lumang laso at kayumanggi.[9]

Nilupak na ube at gabi

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang nilupak na ube at gabi ay isang bersyong Tagalog kung saan pinagsasama ang ube sa mga kalislindigsuloy ng gabi.[10]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Halayang Ube-Purple Yam Jam". Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-07-05. Nakuha noong 2020-01-17.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Belen, Jun. "Ube, the Purple Yam: Why Filipinos Love Purple Sweet Treats". Junblog. Nakuha noong 27 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Veneracion, Connie. "Ube – macapuno dessert". Casa Veneracion. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Marso 2019. Nakuha noong 27 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Kamote Halaya Recipe (Sweet Potato Dessert)". Petite Rosie. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Hunyo 2019. Nakuha noong 7 Hunyo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "How to cook the famous Camote Delight Dessert". PinoyRecipe.net. Nakuha noong 7 Hunyo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Nilupak Recipe". Pinoy Recipe At Iba Pa. Nakuha noong 23 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Halayang Kalabasa ( Pumpkin Jam)". Tagalog Kitchen. Nakuha noong 7 Hunyo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Halayang Kalabasa". Pinoy Hapagkainan. Nakuha noong 7 Hunyo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Leyte Pasalubong". Our Awesome Planet. Nakuha noong 9 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "NILUPAK na UBE at GABI". Tagalog Kitchen. Nakuha noong 23 Abril 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Alejandro, R., & Tettoni, L. (2012). Authentic Recipes from the Philippines. New York: Tuttle Pub.