Ang Unang Kongreso ng Pilipinas ay ang pagpupulong ng lehislatura ng Republika ng Pilipinas na binubuo ng Senado at Kapulungan ng mga Kinatawan mula Mayo 25, 1946 hanggang Disyembre 13, 1949. Unang tinipon ang naturang asemblea bilang Ikalawang Kongreso ng Komonwelt ng Pilipinas.
Naging mayorya sa Kapulungan ang Partido Liberal ni Pangulong Manuel Roxas nang masungkit nito ang 68 sa 98 puwesto sa Kapulungan sa halalan ng 1946.[1] Naipanalo naman ng magkasanib na Democratic Alliance at Partido Nacionalista ang mga kandidato nito sa Gitnang Luzon. Nagwagi sina Luis Taruc (2D Pampanga), Jesus Lava (1D Bulacan), Constancio Padilla (2D Nueva Ecija), Jose Cando (1D Nueva Ecija), Alejandro Simpao (2D Tarlac) at Amando Yuson (1D Pampanga) lahat ng Democratic Alliance ng dating Partido Komunista ng Pilipinas;[2] at si Alejo Santos (2D Bulacan) ng Partido Nacionalista.
- Regular na Sesyon: Mayo 25 – Hulyo 4, 1946
- Unang Regular na Sesyon: Hulyo 5 – Setyembre 18, 1946
- Unang Tanging Sesyon: Setyembre 25–30, 1946
- Ikalawang Regular na Sesyon: Enero 27 – Mayo 22, 1947
- Ikatlong Regular na Sesyon: Enero 26 – Mayo 20, 1948
- Ikalawang Tanging Sesyon: Enero 14–26, 1948
- Ikaapat na Regular na Sesyon: Enero 24 – Mayo 19, 1949
- Tanging Magkasamang Sesyon: Disyembre 13, 1949
- Ang Ikalawang Kongreso ng Komonwelt ay nagpasá ng 12 batas: Batas Komonwelt Blg. 721 hanggang 733.
- Ang Unang Kongreso ng Pilipinas ang nagpasá ng 421 batas: Batas Republika Blg. 1 hanggang 421.
Labing-anim ang hinalal na senador noong Abril 23, 1946. Walo ang manunungkulan hanggang Disyembre 30, 1949, habang ang natitirang walo ay manunungkulan hanggang Disyembre 30, 1951.
- ^a Partido nang mahalal.
- PF – Popular Front
- ^1 Pinalitan si Jose E. Romero nang manalo sa protesta sa halalan.
|
|