Unibersidad ng Pilipinas, Maynila | |
---|---|
Itinatag noong | 1905 |
Uri | national university, research university |
Pinangmulang institusyon | Unibersidad ng Pilipinas |
Lokasyon | , |
Websayt | http://www.upm.edu.ph/ |
Ang Unibersidad ng Pilipinas Maynila (kilala rin bilang UPM o UP Manila) ay isang koedukasyonal at pampublikong unibersidad sa pananaliksik na matatagpuan sa Maynila, ang kabisera ng Pilipinas. Ito ang pinakaluma sa pitong bumubuo sa sistema ng Unibersidad ng Pilipinas. Pinakauna nitong programa ang Kolehiyo ng Medisina na itinatag noong 1905 bilang Philippine Medical School, na mas matanda pa sa UP Sistema ng tatlong taon.
Mula pa noong 2001, iginawad ng Komisyon sa mas Mataas na Edukasyon ng Pilipinas ang parangal para sa dalawang Sentro ng Kahusayan (Center of Excellence o COE) sa UP Manila. Ang COEs ng university ay medisina at pagnanars, kung saan ang Kolehiyo ng Edukasyon ang unang Sentro ng Kahusayan sa Medikal na Edukasyon sa bansa. Ito ay kasalukuyang kabilang sa limang natatanging medikal na institusyon na may ganitong pagkilala.