Unibersidad ng Pilipinas, Mindanao

Unibersidad ng Pilipinas Mindanao
Ingles: University of the Philippines Mindanao
Cebuano: Unibersidad sa Pilipinas Mindanao
SawikainDangal at Kagalingan (Honor and Excellence)
Itinatag noong18 June 1908 (system);
20 February 1995 (pamantasan);
22 March 1995 (bilang yunit)
UriNational, Research university
Public university
KansilyerDr. Larry N. Digal
PanguloAtty. Danilo L. Concepcion
Lokasyon
Pilipinas Barangay Mintal, Distrito ng Tugbok, Lungsod ng Dabaw
,
7°05′08.58″N 125°29′05.59″E / 7.0857167°N 125.4848861°E / 7.0857167; 125.4848861
KampusRural, 204 hektarya
AwitU.P. Naming Mahal
Kulay UP Maroon and UP Forest Green
PalayawUPMin, UP Mindanao, UP ng Katimugan
MaskotU.P. Oblation
ApilasyonAssociation of Pacific Rim Universities (APRU), Association of Southeast Asian Institutions of Higher Learning (ASAIHL), ASEAN University Network (AUN), ASEAN-European University Network (AEUN) (sa pamamagitan ng UP System)
Davao Colleges and Universities Network (DACUN)
Websaytwww.upmin.edu.ph

Ang Unibersidad ng Philippines, Mindanao (UP Mindanao, UPMin; Cebuano: Unibersidad sa Pilipinas Mindanao) ay ang ika-anim at pinakahuling yunit ng Unibersidad ng Pilipinas. Itinalaga noong 20 Pebrero 1995 sa pamamagitan ng Republic Act 7889. Pagkaraan, ang mga Lupon ng mga Rehente ng Sistema ng Unibersidad ng Pilipinas ay pormal na nilikha ang UP Mindanao noong 23 Marso 1995. Ito lamang ang natatangging constituent university ng Unibersidad ng Pilipinas na naitatag sa pamamagitan ng isang batas na inihain sa Kongreso. Pagkaraan, ang mga Lupon ng mga Rehente ng Sistema ng Unibersidad ng Pilipinas ay pormal na nilikha ang U.P. Mindanao noong 23 Marso 1995. Layunin ng UP Mindanao na maibahagi at mabigyang pagkakataon ang mga mag-aaral ng Mindanao, lalung-lalo na ang mga mag-aaral na Muslim at Lumad, na maging mga Iskolar ng Bayan, kasali na ang mga naghihikaos ngunit magagaling na estudyante. Dahil dito, ang mga programang pang-akademiko at pagsasaliksik ay nakatuon sa pag-aaral sa Mindanao (Mindanao Studies) sa larangan ng sangkalikhaan, arkitektura, food science, biolohiya, computer science, at supply chain management.

Ang UP Mindanao ay matatagpuan sa Bago Oshiro, Mintal, Lungsod ng Dabaw, Pilipinas.

Ang UP Mindanao ay binubuo ng tatlong kolehiyo, ang Kolehiyo ng Sangkalikhaan at Agham Panlipunan, ang Kolehiyo ng Agham at Matematika, at ang Paaralan ng Pangangasiwa. Siyam na baccalaureate degree programs at isang graduate degree program ang inaalok ng UP Mindanao para sa mga nagnanais mag-aral sa unibersidad. Natatangi sa UP Mindanao ang Bachelor of Science in Agribusiness Economics (BSABE), dahil dito lamang ito inaalok sa buong bansa, at isa ang unibersidad sa mga tatlong pamantasan sa buong mundo na nagbibigay ng edukasyon sa larangang ito.

Ang unibersidad ay itinalagang Pambansang Sentro ng Kahusayan ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) sa larangan ng Information Technology (IT) at Computer Science. Kasalukuyan ay gumagawa ng mga hakbang ang unibersidad bilang isang Sentro ng Sining at Wika sa pag-aaral ng mga katutubong wika at kultura ng Mindanao.

Ang mithiing maitatag ang “UP sa Mindanao"

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Simula't sapul sa huling bahagi ng dekada '50 hanggang sa unang bahagi ng dekada '60 ay nagkaroon na ng panawagang gumawa ng isang UP sa Mindanao. Pinamunuan ng UP Alumni Association - Davao Chapter, na naitatag noong 3 Disyembre 1949, ang panawagang ito. Noong 1961, nag-alok ang UP Summer School ng mga kurso sa Law, Business Administration, at Education sa kanilang campus sa Davao Central Elementary School, na siyang sinundan ng UP Extension Division Davao noong 1970. Ngunit sa isang pag-aaral na ginawa nina Hannah et al, binale-wala ang ideya ng pagtatatag ng UP sa Mindanao sa kadahilanang pinansyal.[1]

Naganap ang ika-12 UP Alumni Institue sa UPAA-Davao noong Nobyembre 24-25, 1989, at naging panauhing pandangal ang Senador Vicente Paterno. Nandoon rin ang Pangulo ng UP ng kapanuhang iyon na si Jose Abueva. Siya ay humarap sa nagkaisang panawagan ng 630 alumni at kasapi ng midya at negosyo na ipagpatuloy ang kanilang mithiing magkaroon na ng isang "UP sa Davao" o "UP sa Mindanao." Ginawan ito ng panukala na siyang sinangayunan ng lahat ng naroon at pinagtibay ng Institue noong 25 Nobyembre 1989. Isinumite ito kaagad sa pambansang sangay ng UP Alumni Association at inindorso ng Lupon ng mga Rehente.

Nagkatoo na ang mithiing ito nang ipinanukala sa Pambansang Kongreso ng Congressman ng Unang Distrito ng Lungsod ng Davao Prospero Nograles ang House Bill 13382, na pinamagatang "Act to Establish the University of the Philippines in Mindanao". Isang pagdinig ang pinamunuan ng Senador Edgardo Angara (na siyang Pangulo ng Senate Committee on Education noong panahon na iyon) noong 12 Oktubre 1990 sa Davao Chamber of Commerce. Sinuportahan naman ito ng Congressman Rodolfo del Rosario ng Davao del Norte.

Habang ginagawa sa Kongreso ang batas na siyang magtatatag sa UP Mindanao, itinatag ni Abueva ang UP Consortium System, katulad ng UP Bukas na Unibersidad. Nang nagtapos ang katungkulan ni Abueva, itinalaga ng Pangulong Fidel V. Ramos si Emil Q. Javier bilang kapalit niya sa pagkapangulo sa UP. Ipinag-utos ni Ramos si Javier na gumawa ng isang fact-finding commitee na kinabibilangan ng mga Rehenteng Oscar Alfonso, (Bise-Presidente para sa Pagpaplano) Fortunato dela Paña, Atty. Carmelita Yadao-Guno, at Dr. Rogelio V. Cuyno upang gumawa ng isang pagsusuring nauukol sa panukala ng pagtatatag ng UP Mindanao.

Nagkaroon ng isang inspeksyon sa Unibersidad ng Timog-Silangang Pilipinas (USeP) at sa Bago Oshiro, Mintal, ang komite. Nang natanggap ni Javier ang kanilang pag-aaral, hindi itinuloy ni Javier ang panukalang gawing UP Mindanao ang USeP dahil sa mga protesta mula sa kanilang mga guro at staff. Sa halip, inatasan niya si Congressman Elias B. Lopez na siyang mamuno sa pagsuporta sa panukala ni Congressman Nograles, dahil siya lamang ang natatanging alumnus ng UP sa mga kinatawan ng Lungsod ng Dabaw sa Kongreso. Sa kapanahunan din iyon, nag-usap ang komite at ang direktor ng Bureau of Plant Industry (BPI) na si Nerios Roperos na gawing kampus ng UP Mindanao ang nakatiwangwang na 204 hectares na lupain ng BPI sa Bago Oshiro, Mintal.

Ang batas Republic Act 7889, o ang "An Act Creating the University of the Philippines Mindanao," ay naisabatas noong 20 Pebrero 1995 ng Pangulong Fidel V. Ramos. Pormal namang nilikha ng Lupon ng mga Rehente ang UP Mindanao bilang constituent university ng UP System noong Marso 22 ng taong iyon. Upang mabigyang-diin ang kahalagan ng batas na iyon sa mga taga-Mindanao, nagkaroon ng re-enactment ng pagsasabatas sa Bangko Sentral ng Pilipinas. Naroon sa kaganapang iyon ang Pangulong Ramos. Naging unang dekano ng UP Mindanao si Dr. Rogelio V. Cuyno nang taon ding iyon.

Ang mga unang opisina at silid-aralan ng UP Mindanao ay matatagpuan sa Lee Business Center sa kanto ng Daang Juan Luna at Daang J. de la Cruz (na tinawag na UP Mindanao Ladislawa Campus), at sa Casa Mercado Buidling sa Matina mula Marso hanggang Septyembre 1995 at mula Septyembre 1995 hanggang Enero 1996. Sa kalaunan ay ang Ladislawa Campus ang naging unang permanenteng tahanan ng UP Mindanao.[1]

Mula Ladislawa hanggang Bago Oshiro hanggang Mintal (1995-1997)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil wala pang sariling lupa ang unibersidad na siyang tatayuan ng mga pasilidad at gusali, nilagdaan ni Pangulong Ramos ang Proclamation No. 822 na naglalaan ng 204 hektaryang lupain ng Bureau of Plant Industry sa Bago Oshiro, Mintal, para sa UP Mindanao. Ang lupaing ito ay pagmamay-ari ng Ohta Development Corporation ng mga Hapon noong ika-dekada '20, ngunit ito ay isinauli sa pamahalaan ng Pilipinas matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig bilang kabayaran ng mga Hapon sa Pilipinas.

Itinatag noong Hunyo 1996 ang Kolehiyo ng Sinig at Agham (College of Arts and Sciences, CAS), at ang Paaralan ng Pangangasiwa (School of Management, SOM). Matapos ang isang taon hiniwalay ang CAS at ginawang Kolehiyo ng Sangkalikhaan at Agham Panlipunan (College of Humanities and Social Sciences, CHSS), at Kolehiyo ng Agham at Matematika (College of Science and Mathematics, CSM), habang napanatili ang Paaralan ng Pangangasiwa.

Itinayo noong 1997 ang Bulwagang Elias B. Lopez na siyang dormitoryo para sa mga kababaihang mag-aaral. Sa panahong iyon ginagamit ng UP Mindanao ang ilang gusali ng Philippine Coconut Authority (PCA) bilang dormitoryo para sa mga kalalakihan.[1]

Panahon ng Pagbabago (1998-2000)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang bantayog ng Pahinungod (UP Oblation) ay nilagay sa UP Mindanao noong 20 Pebrero 1998, ang ikatlong kaarawan ng unibersidad. Nililok ni Napoleon Abueva ang iskulturang ito na siyang hawig sa orihinal na Pahinungod na ginawa naman ni Guillermo Tolentino. Sinabayan ng mga mang-aawit ng UP Madrigal Singers ang iskultura nang dumaong ang barkong sinakyan nito sa Daungnang Sasa sa Davao. Dinala ito sa Mintal matapos ang isang parada na umikot sa sentro ng Lungsod ng Dabaw at nilagay ng pasamantala sa Kanluran, bago ito nilagay sa Plaza ng Pahinungod sa harap ng Administration Building.

Binigyan ng kasarinlan bilang constituent unit ng UP System ang UP Mindanao ng Lupon ng mga Rehente noong 26 Pebrero 1998. Dahil dito ang UP Mindanao ang ika-anim at pinakabagong yunit ng UP System sa panahong iyon. Naging unang kansilyer naman si Dr. Cuyno ng Disyembre 11 ng taong iyon. Nilagdaan ni Pangulong Ramos ang Proclamation Nos. 1252 at 1253 na naglalaan ng mga lupain sa Laak, Lambak ng Compostela (2800 hektarya) at Distrito ng Marilog sa Lungsod ng Dabaw (4100 hektarya) bilang land reservations para sa mga iba't ibang proyekto ng unibersidad.

Ang mga yunit-akademiko ng unibersidad ay nabigyan na rin ng kanilang mga sariling gusali noong 1998. Ginamit ng Paaralan ng Pangangasiwa ang Terraza Milesa Building sa Daang F. Iñigo (Daang Anda) sa kalakhang Dabaw habang ginamit namang ng dalawang kolehiyo ang Academic Building I na iniwan ng USeP sa loob ng lupain ng UP Mindanao sa Mintal. May iilan ring klaseng ginanap sa loob ng PCA habang ginagawa ang Administration Building sa kapanuhang iyon. Sa kalaunan ay ito ay ginamit ng unibersidad bilang sentro ng pamamahala, at lumipat na rin dito ang Kolehiyo ng Sangkalikhaan at Agham Panlipunan noong 2009 nang natapos ang buong gusali.

Ang mga unang mag-aaral ay nagsipagtapos sa kanilang mga kurso sa huling bahagi ng 1998.

Ang unang dekada (2000-2010)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sumunod kay Dr. Cuyno bilang kansilyer ng UP Mindanao si Prof. Ricardo M. de Ungria, na niluklok noong Septyembre 21, 2001. Sa ilalim ng kanyang pamamahala, kasama ang UP Mindanao na nagtatagag sa Davao Colleges and Universities Network (DACUN), Mindanao Science and Technology Park Consortium (MSTPC) at Mindanao Studies Consortium Foundation Inc. (MSCFI). Ginawa ng Lupon ng mga Rehente ang Office of Extension and Community Services (OECS) at Office of Research (OR) na siyang naatasang gawin ang mandato ng UP Mindanao para sa komunidad ng Mindanao sa larangan ng serbisyo at pananaliksik. Nasimulan din sa taong ito ang paggawa sa Daang Sitio Basak, na siyang tanging daan papasok sa UP Mindanao mula sa Mintal at sa kalakhang Dabaw. Natapos ang paggawa sa daang ito noong 2006. Ang Daang Sitio Basak ay binansagang "Abortion Road" ng mga mag-aaral, guro, at mamamayan ng Sitio Basak dahil sa mabatong daan na hindi madaan kapag umuulan.

Nailimbag ng unibersidad ang unang pang-akademikong journal nito na Banwa noong 2004. Sinundan ito ng paggawad sa unibersidad ng CHED ng "Best Higher Education Research Program" para sa Agribusiness Supply Chain ng Paaralan ng Pangangasiwa noong 2006 at 2010.[1]

Sumunod si Dr. Gilda C. Rivero bilang ikatlong kansilyer ng UP Mindanao noong July 30, 2007. Sa taon ding ito iginawad ng CHED ang UP Mindanao bilang Sentro ng Kahusayan para sa mga programa nito sa Computer Science at IT Development. Itinatag ang CHED Zonal Research Center sa UP Mindanao noong 2008 na may layuning pag-ibayuhin ang pag-aaral sa biodiversity at biotechnology research and development.

Ngunit isang malaking pagsubok sa pangangasiwa ni Kansilyer Rivero ang pagtaas ng matrikula at bayarin sa pag-aaral dahil sa pagbago ng tuition and other fees (TOFI) ng UP System. Dahil dito, naging PhP600 na ang bayad sa bawat yunit ng pag-aaral, na siyang naging mitsa para sa mga malawakang protesta ng mga mag-aaral at guro. Kalakip rin sa pagtaas ng mga bayarin ang mga miscellaneous fees katulad ng bayarin sa kuryente, Internet, at cultural fee. Nang naging panauhin ang Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa unibersidad para sa laying-down ceremony ng Biotechnology Complex sa CSM noong 2009, bantay-sarado ng kapulisan, militar, at mga miyembro ng ROTC ang unibersidad dahil sa pagbabarikada ng mga demonstrador sa Daang Kanluran na siyang tanging daan patungo sa Biotechnology Complex. Ang Kahilim ng DOST na si Estrella F. Alabastro at Pangulo ng UP Emerlinda R. Roman lamang ang nakadalo sa pagtitipong iyon.

Ginawarang noong 2009 ang isyu ng Banwa sa sago (Metroxylon sagu) bilang "Most Outstanding Monograph" mula sa National Academy of Science and Technology. Ang CHED Higher Education Regional Research Center for Davao Region ay binigay sa UP Mindanao noong 2012 para sa proyektong "Sustainable Development of the Philippine Tuna Value Chain."[1]

Sa huling taon ni Kansilyer Rivero ay natapos ang mga daanan sa loob ng UP Mindanao, maliban sa daanang papuntang Human Kinetics Center. Natapos ring magawa ang Administration and Corporate Center ng Paaralan ng Pangangasiwa noong Mayo 2011. Dahil dito, lahat na ng yunit-akademiko ng UP Mindanao ay nasa campus nito sa Mintal, Davao City.

Ikadalawampung Taon (2010-Kasalukuyan)

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga alumni ng UP, staff, guro, at mag-aaral ay tulong-tulong sa paggawa ng Plaza ng Pahinungod para sa "Isang Libong Alumni Para Kay Oble" noong 28 Pebrero 2015.

Hinirang ng Lupon ng mga Rehente si Dr. Sylvia B. Concepcion bilang ikaapat na kansilyer ng UP Mindanao sa ika-1285 Pagpupulong ng Lupon noong 24 Enero 2013.[2] Nagsimula ang kanyang panungkulan noong 1 Marso 2013, at magpapatuloy ito hanggang 28 Pebrero 2016. Ginawa ang turn-over ceremony at testimonial ceremony para kay Kansilyer Rivero noong 22 Pebrero 2013[3]), at ang kanyang Investiture Ceremony ay isinagawa noong 19 Abril 2013, kasabay ng ika-16 Seremonya ng Pagtatapos ng mga nagsipagtapos na mag-aaral ng taong iyon.[4]

Pinili rin ng General Assembly of Student Councils (GASC) ang dating Pangulo ng UP Mindanao University Student Council (USC) na si Krista Iris Melgarejo bilang ika-31 Rehente ng mga Mag-aaral ng UP System. Siya ang unang rehenteng nagmula sa UP Mindanao.[5] Nagsimula ang kanyang panungkulang sa Pagpupulong ng Lupon noong Hunyo 20.


The construction of the University Main Library began on August 2013, after a prolonged dispute between the university and settler associations living within the university on land ownership issues hampered efforts to immediately construct the building earlier that year. The Main Library was finished in the late quarter of 2014.

Iginawad sa UP Mindanao ang "Best Implementing Agency Award" noong 2013, sa ika-25 anibersaryo ng Southern Mindanao Regional Research and Development Consortium (SMARRDEC). Naganap rin ang unang pandaigdigang konperensya ng unibersidad na pinamagatang International Conference on Agribusiness Economics and Management (ICAEM).

Sa buong buwan ng Pebrero ng taong 2015 ginanap ang ika-20 anibersaryo ng UP Mindanao, sa ilalim ng temang "Ika-baynte saulugon, UPMin padayon!" (Ipagdiwang ang ikadalawampu, UPMin Padayon!). Isa sa mga pinakamahalagang kaganapan nangyari ay ang bayanihan ng mga alumni sa pagtayo ng Oblation Plaza noong Pebrero 28 na pinamagatang "Isang Libong Alumni Para Kay Oble". Ito ay pinangunahan ng UP Alumni Association-Davao Chapter at sinalihan ng maraming alumni mula sa lahat ng unibersidad ng UP kasama ang mga kasapi ng pamahalaan ng UPMin, staff, guro, and mga mag-aaral. Naganap din dito ang pag-iilaw ng UP Mindanao Oblation (na kinuha sa Torch Night ng UP Mindanao), na sinalihan ng mga alumni mula sa UP Manila, UP Diliman, UP Los Baños, UP Visayas, UP Cebu, UP Open University, UP Baguio, at UP Mindanao bilang torchbearers bago sinindihan ang kawa sa harap ng bantayog ng Pahinungod.

Ipinakita sa kabuuan ng Pebrero sa Administration Building ang Milestones exhibit. Dito ipinakita ang kasuotan ng mga nagsipagdaang kansilyer sa kanilang pagtatalaga, isang photo exhibit ng mga mahahalagang pangyayari, at listahan ng mga nagawa ng unibersidad. Ang pangunahing symposium na pinamagatang Science for Society ay naganap noong Pebrero 16, at si DOST Undersecretary Amelia Guevara ang inimbitahang panauhing pandangal. Nagdiwang ang bawat yunit-akademiko ng unibersidad, ang CHSS ang siyang nagdiwang sa unang linggo, tapos ang CSM, at ang SOM ay sa huling linggo. Naganap din ang Students' Week at Dorm Week sa pangatlong linggo, bantog ang mga kaganapang pinangunahan ng mga student organizations. Nagtapos ang ito sa Tatak UPMin noong Pebrero 27. Bukas ang lahat ng mga kaganapang ito at inanyayahan ang publiko sa pagpunta sa mga ito.[6]

Pinamamahalaan ang UP Mindanao ng Lupon ng mga Rehente na kinabibilangan ng Pangulo ng UP System, ang tagapangulo ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED), ang mga pangulo ng Committee of Higher Education ng Senado at Kongreso, apat na rehente na kumakatawan sa mga mag-aaral, guro, alumni, at staff, at tatlong rehente na itinalaga ng Pangulo ng Pilipinas.[7]

Ang kansilyer ang siyang diretsong namumuno sa unibersidad, sa tulong ng mga bise-kansilyer para sa pang-akademikong gawain (Vice Chancellor for Academic Affairs) at pangangasiwa (Vice Chancellor for Administration[8]

Ang University Council o Konseho ng Unibersidad ay kinabibilangan ng kansilyer at mga propesor ng iba't ibang yunit-akademiko ng unibersidad. Ang kansilyer ang siyang namumuno bilang Pangulo ng Konseho at ang Tagapagtala ng Unibersidad (University Registrar) ang siyang kalihim. May kapangyarihang mag-atas at gumawa ng mga kurso ng pag-aaral at panuntunan sa disiplina ang Konseho, ngunit ito ay kailangan pang aprubahan ng Lupon ng mga Rehente upang maisabatas. Nakaatas din sa Konseho ang gumawa ng alituntunin para sa pagpapapasok at pagtatapos ng mga mag-aaral sa mga yunit-akademiko ng unibersidad; dahil dito, may kapangyarihang magrekomenda ang Konseho sa Lupon ng listahan ng mga magsisipagtapos na mag-aaral na siyang makakatanggap ng kanilang mga titulo at patunay. May kapangyarihan ang Konseho na magdisiplina sa mga mag-aaral na naaayon sa mga alituntunin ng Lupon sa pamamagitan ng Executive Committee o sa kansilyer. Ang Executive Committee ay kinabibilangan ng mga dekano ng mga yunit-akademiko ng unibersidad.

Ang Pangulo ng UP System ay magiging ex officio member ng Konseho ng bawat yunit ng UP System at siyang mamumuno sa mga pagpupulong kapag siya ay naroroon.[9]

Mga Yunit-Akademiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Yunit-Akademiko ng UP Mindanao
Kolehiyo/Paaralan Taon ng Pagkakatatag

Kolehiyo ng Sangkalikhaan at Agham Panlipunan* 1997
Kolehiyo ng Agham at Matematika* 1997
Paaralan ng Pangangasiwa 1996

*—Unang itinatag noong 1995 bilang Kolehiyo ng Sining at Agham, ngunit hiniwalay noong 1997.


Ang UP Mindanao ay binubuo ng dalawang kolehiyo at isang paaralan: ang Kolehiyo ng Sangkalikhaan at Agham Panlipunan, na siyang nakatuon sa pag-aaral ng kultura at sining ng Mindanao sa larangan ng literatura, arkitektura, antropolohiya, at komunikasyon; ang Kolehiyo ng Agham at Matematika, na gumagawa ng mga pagsasaliksik sa katutubong halaman at hayop ng Mindanao at nangunguna sa siyentipikong pag-unlad sa larangan ng biolohiya, food science, applied mathematics, at computer science; at ang Paaralan ng Pangangasiwa, na siyang naatasan na gumawa ng mga programa sa pananaliksik sa supply chain management at agribusiness economics.

Kolehiyo ng Sangkalikhaan at Agham Panlipunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dekano: Prof. Ma. Stella R. Salazar

  • Departmento ng Arkitektura
    • Arkitektura
  • Departmento ng Sangkalikhaan
    • Sining ng Komunikasyon
      • Audio-visual Communication
      • Media Arts
      • Speech and Corporate Communication
    • Malikhaing Pagsusulat
  • Departmento of Kinetikang Pantao
    • Edukasyon sa Pangangatawan
      • Mga koponan ng UP Mindanao sa isports
        • Football
        • Basketball
        • Volleyball
        • Chess
      • UP Mindanao Dance Ensemble
    • National Service Training Program
  • Departmento ng Agham Panlipunan
    • Agham Panlipunan
    • Antropolohiya
    • Sikolohiya

Kolehiyo ng Agham at Matematika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dekano: Prof. Annabelle U. Novero

  • Departmento ng Siyensyang Biolohiko at Pangkalikasang Pag-aaral
    • Animal Science
    • Biology
    • Crop Science
    • Ecology
    • Microbiology
    • Wildlife
    • Zoology
  • Departmento ng Food Science at Kimika
    • Kimika
    • Food Science and Technology
  • Departmento ng Matematika, Pisika at Computer Science
    • Applied Mathematics
    • Computer Science

Paaralan ng Pangangasiwa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dekano: Prof. Adela G. Elison

  • Agribusiness Economics
  • Pangangasiwa

Programang Pang-akademiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kolehiyo ng Sangkalikhaan at Agham Panlipunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Batsilyer sa Sining ng Antropolohiya / Bachelor of Arts in Anthropology
  • Batsilyer sa Agham ng Arkitektura / Bachelor of Science in Architecture
  • Batsilyer sa Sining ng Komunikasyon / Bachelor of Arts in Communication Arts
    • Major in Media Arts
    • Major in Speech Communication
  • Batsilyer sa Sining sa Ingles (Malikhaing Pagsusulat) / Bachelor of Arts in English (Creative Writing)

Kolehiyo ng Agham at Matematika

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Batsilyer sa Agham ng Sinalapat Sipnayan/ Bachelor of Science in Applied Mathematics
  • Batsilyer sa Agham ng Biolohiya / Bachelor of Science in Biology
    • Major in Cell Biology
    • Major in Ecology
  • Batsilyer sa Agham ng Computer Science / Bachelor of Science in Computer Science
  • Batsilyer sa Agham ng Food Technology / Bachelor of Science in Food Technology
    • Major in Food Business
    • Major in Food Processing
    • Major in Food Science

Paaralan ng Pangangasiwa

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Batsilyer sa Agham ng Agribusiness Economics / Bachelor of Science in Agribusiness Economics
  • Master in Management
Admin at Oblation Circle
Kanluran
SOM
Main Lib
DC-UP Sports Complex

Ang UP Mindanao ay matatagpuan sa isang 204-hektaryang lupain sa Mintal, Tugbok, Lungsod ng Dabaw. Sa kasalukuyang ay iilang gusali lamang ang nakatayo o tinatayo ngunit sa loob ng sampung taon ay gagawing isang green university town ang UP Mindanao sa tulong ng UP Mindanao Land Use and Master Development Plan na may themang "garden" campus at mga gusaling hango sa iba't ibang katutubong pangkat ng Mindanao[10]

  • Administration Building (Admin)
  • Academic Building I (Kanluran)
    • Science and Technology Dormitory (Dorm Annex)
  • Human Kinetics Center (HKC)
  • Academic Core
    • College of Humanities and Social Sciences Complex
      • CHSS Cultural Complex
  • UP Mindanao Road Network
    • Mindanao Avenue
    • Oblation Plaza
    • Maguindanao Road (Kanluran Road)
  • University Main Library Phase 1 (Main Lib)
  • School of Management Building Phase 1 (SOM)
  • Elias B. Lopez Hall (EBL Hall, Dorm)
  • Kalimudan Student Center (Kalimudan)
    • University Student Council (USC) House
    • Himati Office
  • UPMin Infirmary[11][12]
  • Mindanao Research and Development Center
    • Center For Advanced Research in Mindanao (CARIM)
  • Davao City-UP Sports Complex
  • Academic Core
    • College of Science and Mathematics Complex
    • School of Management Complex
      • SOM Building Phase 2
  • Student Housing Facilities
  • UP Mindanao Road Network
  • Pedestrian network
  • Executive Housing facilities
  • Himnasyo ng DC-UP Sports Complex
    Commercial facilities
  • UP Mindanao Botanical Garden
  • Davao City-UP Sports Complex
  • UP Mindanao Ladislawa Campus
  • Casa Mercado Building
  • Philippine Coconut Authority (PCA), Mintal
  • Old SOM Building (UP Mindanao City Campus, UP Anda)
  • Old Main Library Building (Main Lib)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "20 Years and Counting". University of the Philippines Mindanao. University of the Philippines Mindanao. 22 Pebrero 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. University of the Philippines. "New University Officials". Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Enero 2013. Nakuha noong 1 Marso 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Estremera, Rene. "Testimonial and Turn-Over Ceremonies held". Nakuha noong 1 Marso 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Estremera); $2
  5. Estremera, Rene. "FORMER UPMIN USC CHAIR IS 31ST STUDENT REGENT". Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Agosto 2013. Nakuha noong 2 Hunyo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Estremera, Rene (19 Enero 2015). "Public offerings from U.P. Mindanao in February". UP Mindanao Information Office. UP Mindanao Information Office.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Republic Act 9500: An Act to Strengthen the University of the Philippines as the National University" (PDF). University of the Philippines Website. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2012-02-22. Nakuha noong 2009-05-19.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "University of the Philippines Mindanao Administration Officials". Nakuha noong 2010-08-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "University of the Philippines Mindanao University Council". Nakuha noong 2010-08-12.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "BOR UP Mindanao Land Use Approval" (PDF). UP Mindanao. 2009. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 18 Oktubre 2019. Nakuha noong 10 Agosto 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-03. Nakuha noong 2015-03-04.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-17. Nakuha noong 2015-03-04.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. Cabrera, Cherrylyn (20 Pebrero 2015). "Moving Forward". Madayaw. Blg. Pebrero 2015. University of the Philippines Mindanao. University of the Philippines Mindanao.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]