Barangay Upper Bicutan, Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila | ||
---|---|---|
Barangay | ||
| ||
Region | Kalakhang Maynila | |
Lungsod | Taguig | |
Pamahalaan | ||
• Uri | Barangay | |
• Kapitan ng Barangay | Myrna Minglana Dela Peña | |
Sona ng oras | GMT (UTC+8) | |
Zip Code | 1633 | |
Kodigo ng lugar | 02 |
Ang Barangay Upper Bicutan (PSGC: 137607015) ay isa sa dalawampu't walong barangay ng Lungsod ng Taguig sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas.
Noong 1909, ang Bicutan ay isang lupang napapaligiran ng Pamahalaang Bayan ng Pasig, Taguig, at Parañaque. Ito ang panahon na ang Lungsod ng Pasay ay hindi pa lupang pangsakahan/agrikultura. Ang malaking bahagi nito ay nasasakupan pa ng Fort William McKinley. Pinalakas ng Proklamasyon Blg. 423 na pinirmahan ni Carlos P. Garcia noong 12 1957 Hulyo ang pagkakahawak ng militar sa lupa dahil nakasaad dito na ang nasabing lupa ay inilalaan para lamang sa mga sundalo.
Dahil sa pakiusap ng mga mamamayan pati na nang Pamahalaang Bayan ng Pasig, Parañaque at Taguig sa pamahalaan na huwag isama ang Bicutan sa mga lugar na nakasaad sa nasabing Proklamasyon, pinirmahan ng dating Pangulo Diosdado Macapagal ang Proklamasyon Blg. 246 na hindi isinama ang Bicutan sa operasyon ng Proklamasyon Blg. 423.
Dumami ang nagbigay ng kanilang aplikasyon para makakuha ng sariling lupa ng malaman nila ito. Natapos ang mga papeles ng nasabing lupa taong 1964 at sa unang bahagi ng taong 1965 ay naglipatan ang mga karapatdapat na mamamayan sa kanilang sariling lupa.
Ang dating bakanteng lote ay napuno ng mga bahay at naging isang masayang komunidad. Bago natapos ang taon, ang populasyon ng Bicutan ay hindi bumaba sa 3,600 pamilya. Unti-unti’y naglitawan ang mga suliranin gaya ng kawalan ng paaralan ang mga bata sanhi ng kalayuan ng lugar sa sibilisasyon. Ngunit hindi naging hadlang ang ganitong suliranin kaya’t noong 16 1966 Hulyo nagpatayo ang mga mamamayan ng gawa-gawang paaralan para lamang makapag-aral ang kanilang mga anak. Naitayo ang paaralan sa tinatawag na bayanihan.
Ngayon ay nakatayo ang Paaralang Elementarya ng Bicutan sa gitna ng pagkakaisa ng mga mamamayan sa iisang layunin na paunlarin ang kanilang komunidad. Kaya sa ganitong simulain maraming proyekto ang ginawa ng ng tao, pati na ang paglulunsad ng iba’t ibang proyektong makakalikom ng sapat na halaga para maipagawa pati na ang simbahan.
Ang Sangguniang Barangay ng Upper Bicutan sa ilalim ng pamamahala ng kapitan ng Barangay, G. Venancio T. Osano, ay nakita ang pakikibaka ng mga mamamayan para sa ikabubuti ng komunidad lalong lalo na ng mga kabataan kung saan ang pag-asa nila ay nakasalalay.
Ang pagkakaisa ng mga mamamayan ay nagkaroon ng mabuting resulta, nagkaroon ang pamayanan ng isang malaking tangke ng tubig, isang paaralang elementarya at ilang sementadong kalsada, pati na ang pagkakaroon ng elektrisidad na kung saan ang lahat ay nakikinabang.
Sangguniang Barangay:
Sangguniang Kabataan:
Mga Lupon ng Sangguniang Kabataan:(Youth Organizations)
barangay lower bicutan taguig city