Si Chen Yupeng (Tsino: 陈宇鹏; pinyin: Chén Yǔpéng; ipinanganak noong Enero 15, 1984), kilala rin sa kanyang bansag na Chen Zhiyi (Tsino: 陈致逸; pinyin: Chén Zhìyì), ay isang Tsinong kompositor at prodyuser ng musika. Kilala siya sa paggawa ng musika ng Genshin Impact, isang open-world na action at role-playing na larong bidyo ng miHoYo na ay isa sa mga pinakamataas na nagbebenta ng mga larong bidyo sa mundo. Ang trabaho niya ay kilala sa estilo nito ng naghahalo ang mga tradisyunal na instrumento kasama sa mga na areglo ng Kanluraning orkestra.[3][4] Ngayon, siya ay nagtatrabaho sa HOYO-MiX, ang estudiong musika ng miHoYo, at pinamumunuan ang paggawa ng musika para sa Genshin Impact.
Nagpaaral si Chen sa Shenzhen Arts School at sa Shanghai Conservatory of Music, at nag-aral sa ilalim ng patnubay ng mga makaranasang musikero na nakaimpluwensya sa kanyang trabaho mamaya sa kanyang karera. Habang nag-aral siya sa kolehiyo, nasangkot na siya sa pagsulat at paggawa ng musika sa para sa pelikula at telebisyon. Bago sa karera niya, ang mga paggawa niya ay nanalo sa mga iba't ibang ebento. Sa 2014, tinayuan ni Chen ang Yupeng Music Studio na nagkaroon ng pakikipagtulungan sa maraming recording studio sa Beijing at Shanghai, at naggawa ng trabaho para sa mga kompanya kabilang ang Click Music Ltd., Tencent, and NetEase.[5]
Wala akong alinlangan na ang aking pangarap para sa kinabukasan ay nagpakita noong bata pa ako. Naaalala ko noong nasa klaseng solfeggio ako noong panahong iyon—nasa art school pa ako noon—tinanong [kami] ng guro kung ano ang gusto [naming] gawin. Doon ako nagboluntaryong tumayo at sinabing gusto kong maging isang primera na Tsinong kompositor. Naaalala ko na nasa art school ako—tineyder pa lang ako noon—at nagkaroon na ako ng ganoong ambisyon. Ito ay dapat maging paghabol ko para sa kinabukasan. Dapat ako'y ang pinakamahusay. Gusto kong maging pinakasikat na kompositor sa Tsina.
— 不急TV interview, Chen Zhiyi: Musikang Tunay Na May Kaluluwa, Mapapalalim Sa Iyong Mga Buto[6]
Ipinanganak si Chen noong Enero 15, 1984, sa Changsha, Hunan Province.[7] Ang kanyang ina ay dating isang kantora; itinigil niya ang kanyang karera upang palakihin si Chen. Ang kanyang ama ay nagpaaral sa mga matematika.[8][9][10] Ang unang inspirasyon sa musika na tinanggap ni Chen ay nung nanood siya ang pelikulang Hapon Nausicaä of the Valley of the Wind (1984) ni Hayao Miyazaki. Kahit hindi niya naintindihan ang kuwento, lalo siyang naantig sa musika at "naramdaman ang kapangyarihan ng musika" sa unang pagkakataon.[11][12] Noong bata pa siya, nadiskubre niya ang talento niya sa musika na sensitibo siya sa altura.[9]
Noong taong 1996, sa edad na labindalawa, nagpaaral si Chen sa Shenzhen Arts School at nag-aral sa ilalim ng mga guro nagtuturo ng klarinete na si Jiang Baocheng (姜宝成) at Tao Ran (陶然).[13][7] Si Tao Ran, isang associate professor ng Clarinet sa Shenzhen Arts School, ay nagsagawa ng mga solo na klarinete at konsiyerto ng kamarang musika. Tumanggap siya ng maraming premyo para sa mahusay ng pagtuturo niya at kasanayan. Si Tao, katulad ni Chen, ay nag-aral sa ilalim ni Jiang Baocheng.[14] Noong labing anim na taong gulang si Chen, nag-aral siya ng mga teorya ng pagsusulat sa ilalim ni Ju Zongze (居宗泽), isang guro at assistant lecturer sa Shenzhen Arts School. Nagturo si Ju ng teorya ng musika, solfeggio, atbp.[13][7]
Noong taong 2002, lumipat si Chen sa Shanghai[15] at pumasok sa Shanghai Conservatory of Music. Tinanggap niya ang Fu Chengxian Memorial Scholarship (傅成贤纪念奖学金).[13][7] Sa una, nagmajor siya sa Clarinet, pero si Ju Zongze, na nadiskubre ang interes ni Chen sa pagsusulat ng musika, ay nagsuggest sa kaniya na maglipat siya sa Composition.[9] Mamaya, nagpaaral si Chen sa Music Design and Production sa Department of Music Engineering, na nagtayo sa taong 2003.[16] Sa parehong panahon, inimbitahan ng Shanghai Conservatory of Music ang Hapon na musikero na si Tanimura Shinji na sumali sa departamento bilang isang resident professor.[17][18] Nang pumasok si Chen sa master class ni Tanimura noong taong 2005,[19] nabanggit niya na ang gawa ni Tanimura ay pinagsasama ang Hapong musikang pangbayan, Silangang melodiyang pentatonica, at Kanluraning musikang orkestra. Tumanggap si Chen ng maraming inspirasyon sa pag-aaral niya, lalo na ang mga konsepto ni Tanimura na "walang hangganan ang musika" at "ipalaganap ang positibong enerhiya ng pag-ibig." Pagkatapos nito, si Chen ay isa sa walong estudyante mula sa departamento na sumali kay Tanimura para sa pagsasagawa ng isang konsiyerto sa Expo 2005. Nanguna si Chen sa pag-areglo at paggawa ng musika, at sumali sa konsiyerto bilang isang piyanista.[8][20][7] Sa taong 2005 din, sa Nobyembre, na nanalo siya sa isang aktibidad na tinayo ni Tanimura at ang Shanghai Federation of Literary and Art Circles (上海市文联组织) para sa pagbubukas ng Yangshan Port at Donghai Bridge.[19]
Maliban kay Tanimura, nag-aral din si Chen sa ilalim ni An Dong (安栋), Chen Qiangbin (陈强斌), Wu Yuebei (吴粤北), Hu Taoyuan (胡桃源), Xu Jianqiang (徐坚强), and Qin Shile (秦诗乐).[7] Ang iba-ibang estilo, pilosopiya sa pagsusulat, at paglapit sa musika na itinuro ng unang tatlong maestro ay nakaimpluwensya sa trabaho ni Chen sa kanyang karera.[20] Habang nag-aaral siya, tinulungan din niya si An Dong sa paggawa ng musika sa pelikula at telebisyon.[5]
Noong Setyembre 2006, nagtanggap ang "GAMES OF FANTASIA" ni Chen ang unang premyo sa taunang konsiyerto ng Department of Music Engineering. Nagtanggap din siya ng tatlong premyo para sa pinakamahusay na pagkamalikhain, teamwork, at popularidad.[13][7] Sa parehong taon, tinulungan niya si An Dong sa mga pelikula The Tokyo Trial at Fiery Autumn Wind. Noong Hunyo 2007, iniareglo ang departamento ang Undergraduate Outstanding Graduation Works Concert and Exhibition (本科优秀毕业作品音乐会暨展示会). Nagpili ang "Challenging Hollywood" ni Chen bilang ang natatanging trabahong musika ng departamento at nagganggap ng unang premyo,[7] at itong pinagtanghal.[13][21] Mamaya sa taon na iyon, nagtapos si Chen sa Shanghai Conservatory of Music na may karangalan,[7] at sumali sa studio ni An Dong.[22][20]
"Sa totoo lang, matagal nang sinubukan ni Chen Zhiyi na gawin ang bagay na ito. [Pagdating sa] kumbinasyon at pagsasanib ng [Tsinong] musika at simponyang musika, ang mga manonood at mga manlalaro ay mas nababahala kung ang katutubong musika at symphonic na musika ay maaaring pagsamahin, sa halip na pagsama-samahin, tulad ng bigas at itlog [upang gawing] sinangag na may itlog. Sa tingin ko ito ay talagang isang katanungan kung gaano kaganda ang tunog ng musika at ang musika ay nagpapadala ng diwa ng kulturang Tsino. Naniniwala ako na ang aming orihinal na musika [ngayon] ay ginawa sa isang talagang mataas na pamantayan."
Noong 2019, nakuha ng kumpanya ng larong bidyo na miHoYo si Chen na gumawa ng musika para sa kanilang laro na 'Genshin Impact kasama ng kanilang estudiong musika na HOYO-MiX. Ito ang unang pangunahing gawain ng larong bidyo ni Chen, at inilarawan niya ang proyekto bilang isang mahirap na hamon. Ang laro ay may open-world environment na nagtatampok ng mga lugar na tinutukoy bilang mga rehiyon, na may mga biswal na disenyo na inspirasyon ng iba't ibang kultura ng mundo. Sa pagsusulat ng musika para sa mga rehiyong ito, pumili si Chen ng isang estilo na nagsasama ng mga elemento ng tradisyonal na musika sa Kanluraning pag-areglo.[23] Sa pre-release development na yugto, mayroon lamang ng laro ang Mondstadt at Liyue, dalawa sa nakaplanong pitong rehiyon.[24] Sa taas ng magandang tanawin na pambukid, ang mga estilo ng arkitektura at mga kultura ng Europang Medieval ay nagbigay ng inspirasyon para sa disenyo ng Mondstadt.[25] Sa pagsusulat ng musika para sa Mondstadt, nagpahiram ni Chen ang wika at ritmo ng Impressionism at ginamit ang piano, mga tin whistle, at mga lute na estilong medieval. Ang musika ng Mondstadt ay naitanghal ng London Philharmonic Orchestra[23] Sumali si Chen sa mga scoring sessions sa London at kinilos ang "Genshin Impact Main Theme."[26][27]
Para sa Liyue, na may magandang Silanganang pantasya bilang batayan nito,[28], ginamit ni Chen ang mga elemento ng tradisyonal na Tsinong musika—ang pentatonic scale, at mga sinaunang tonong melodiya—kasama sa Kanluraning romantiko na armonya at orkestrang pag-areglo. Ang musika ng Liyue ay naitanghal ng Shanghai Symphony Orchestra.[23] Si An Dong (安栋), isa sa mga guro ni Chen mula sa Shanghai Conservatory of Music, ay sumama bilang isang music supervisor sa mga scoring sessions.[29] Lalo na nagustuhan ni Chen ang pag-sulat ng combat music, ginagamit ng mga iba-ibang teknik sa pagsusulat katulad ng polyphony, at nakuha ng mga elemento sa orkestrasyon mula sa mga kompositor katulad ni Ludwig van Beethoven.[16][23]
Noong 2022, mga napiling musika mula sa Genshin Impact, kasama ang mga komposisyon ni Chen na "Liyue," "Rapid as Wildfires," at "Contemplation in Snow," ay napasama sa 2022 Winter Olympics music library upang magamit sa mga eksibisyon sa sports.[30][31] Ang "Contemplation in Snow" ay ginamit sa isang promotional na bidyo para sa Beijing National Speed Skating Oval, isang competition area ginawa para sa ebento.[32]
↑邢晓芳 (Marso 30, 2004). "谷村新司受聘上海音乐学院 日本“歌神”造新星". Sina Entertainment. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Setyembre 20, 2022. Nakuha noong Setyembre 16, 2022.
↑原神 (Pebrero 11, 2022). "「声绕冰雪旋」". Bilibili. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Disyembre 10, 2022. Nakuha noong Disyembre 10, 2022.
↑Sina Games (Pebrero 15, 2022). "声绕冰雪旋 《原神》配乐入选北京冬奥音乐库". Sina Games. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Abril 30, 2022. Nakuha noong Disyembre 10, 2022.
↑陈致逸 (Setyembre 19, 2017). "天衣无缝(天涯明月刀 薛无泪初登场主题)". NetEase Cloud Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Enero 7, 2023. Nakuha noong Agosto 21, 2022.
↑陈致逸 (Setyembre 22, 2017). "风月缠绵(2017七夕节日音乐,金风玉露变奏)". NetEase Cloud Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Enero 7, 2023. Nakuha noong Agosto 21, 2022.
↑陈致逸 (Disyembre 28, 2017). "末剑 原声大碟 重制版". QQ Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Disyembre 13, 2022. Nakuha noong Disyembre 11, 2022.
↑陈致逸 (Disyembre 28, 2017). "末剑 原声大碟". NetEase Cloud Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Enero 7, 2023. Nakuha noong Agosto 21, 2022.
↑陈致逸 (Agosto 17, 2018). "金风玉露·夜语迟". NetEase Cloud Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Enero 7, 2023. Nakuha noong Agosto 21, 2022.
↑陈致逸 (Oktubre 17, 2019). "梦留别". NetEase Cloud Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Enero 7, 2023. Nakuha noong Agosto 21, 2022.
↑王一博 (Hunyo 19, 2019). "说剑". QQ Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Setyembre 12, 2022. Nakuha noong Agosto 23, 2022.
↑Genshin Impact (Oktubre 15, 2020). "City of Winds and Idylls". genshin.hoyoverse.com. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Setyembre 20, 2022. Nakuha noong Agosto 26, 2022.
↑周深 (Oktubre 15, 2021). "仙剑奇侠传七 原声音乐集". QQ Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Setyembre 12, 2022. Nakuha noong Setyembre 5, 2022.
↑ 92.092.1HOYO-MiX (Enero 15, 2022). "「飞彩镌流年」游戏原声EP专辑". NetEase Cloud Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Enero 7, 2023. Nakuha noong Setyembre 4, 2022.
↑HOYO-MiX (Hunyo 22, 2022). "原神-千岩旷望 Millelith's Watch". NetEase Cloud Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Enero 7, 2023. Nakuha noong Setyembre 4, 2022.
↑"故城千寻". NetEase Cloud Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Enero 8, 2023. Nakuha noong Enero 8, 2023.
↑国风堂/许佳琪 (Enero 30, 2021). "泊山城". NetEase Cloud Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Enero 8, 2023. Nakuha noong Setyembre 14, 2022.
↑郑乾 (Abril 17, 2019). "网易云音乐推出自制国风企划项目《国风堂》". music.china.com.cn. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Disyembre 20, 2022. Nakuha noong Disyembre 20, 2022.
↑陈致逸 (Abril 14, 2017). "时光隧道". NetEase Cloud Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Enero 8, 2023. Nakuha noong Agosto 21, 2022.
↑陈致逸 (Abril 14, 2017). "午夜电台". NetEase Cloud Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Enero 8, 2023. Nakuha noong Agosto 21, 2022.
↑陈致逸 (Oktubre 16, 2017). "拉赫之梦". NetEase Cloud Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Enero 8, 2023. Nakuha noong Agosto 21, 2022.
↑陈致逸 (Nobyembre 3, 2017). "陈致逸钢琴练习曲". NetEase Cloud Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Enero 8, 2023. Nakuha noong Agosto 21, 2022.
↑陈致逸 (Disyembre 29, 2017). "遗忘". NetEase Cloud Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Enero 8, 2023. Nakuha noong Agosto 21, 2022.
↑陈致逸 (Enero 15, 2018). "存在". NetEase Cloud Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Enero 8, 2023. Nakuha noong Agosto 21, 2022.
↑陈致逸 (Pebrero 1, 2018). "你,不在这里". NetEase Cloud Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Disyembre 27, 2022. Nakuha noong Agosto 21, 2022.
↑陈致逸 (Pebrero 13, 2018). "向死而生". NetEase Cloud Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Enero 8, 2023. Nakuha noong Agosto 21, 2022.
↑陈致逸 (Marso 1, 2018). "旅人". NetEase Cloud Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Enero 8, 2023. Nakuha noong Agosto 21, 2022.
↑陈致逸 (Marso 16, 2018). "49%的我". NetEase Cloud Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Enero 8, 2023. Nakuha noong Agosto 21, 2022.
↑陈致逸 (Marso 30, 2018). "迷失灵魂". NetEase Cloud Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Enero 8, 2023. Nakuha noong Agosto 21, 2022.
↑陈致逸 (Mayo 19, 2018). "暗流". NetEase Cloud Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Enero 8, 2023. Nakuha noong Agosto 21, 2022.
↑陈致逸 (Hunyo 14, 2018). "无疆-轻琴謦磬". NetEase Cloud Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Enero 8, 2023. Nakuha noong Agosto 21, 2022.
↑陈致逸 (Hunyo 23, 2018). "十二神肖-轻琴謦磬". NetEase Cloud Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Enero 8, 2023. Nakuha noong Agosto 21, 2022.
↑陈致逸 (Oktubre 6, 2018). "一杯月". NetEase Cloud Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Enero 8, 2023. Nakuha noong Agosto 21, 2022.
↑陈致逸 (Oktubre 15, 2018). "你是我灵魂的杂质". NetEase Cloud Music . Naka-arkibo mula sa orihinal noong Enero 8, 2023. Nakuha noong Disyembre 28, 2022.
↑陈致逸 (April 2, 2019). "《向死而生》2019专辑版". NetEase Cloud Music. Naka-arkibo mula sa orihinal noong Enero 8, 2023. Nakuha noong Agosto 21, 2022.