Ang Yungib ng Callao ay isa sa mga yungib na apog na matatagpuan sa bayan ng Peñablanca, lalawigan ng Cagayan, Pilipinas. Isa ang yungib sa 300 mga yungib na kilala bilang likas na pang-turistang atraksyon ng lalawigan. Ipinangalan ang bayan bilang Peñablanca (Kastila para sa "mga puting bato") dahil sa mayroon ang lugar na ito ng mga puting batong apog.[1] Matatagpuan ang Yungib ng Callao sa mga barangay ng Magdalo at Quibal sa Peñablanca na mga 24 km (15 mi) hilagang-silangan ng Lungsod ng Tuguegarao, ang kabisera ng Lalawigan ng Cagayan.
Natuklasan sa yungib na ito ang bagong espesye ng tao na tumira noong mga 50,000 hanggang 67,000 taong lumipas. Tinatawag itong Taong Callao o Homo luzonensis, at kinupirma na bago itong espesye noong 2019.[2]
Matatagpuan ang Callao at iba pang mga yungib sa kanlurang mababang burol ng Hilagang Bulubundukin ng Sierra Madre sa Pilipinas at nasa loob ng Peñablanca Protected Landscape and Seascape na umaabot mula sa mga yungib hanggang silangang baybayin ng Dagat Pasipiko.[3]