Andres Soriano

Si Andrés Soriano (Pebrero 8, 1898 – Disyembre 30, 1964[1]), kilala rin na Col. Andres Soriano, ay isang negosyanteng Kastila–Pilipino. Higit siyang kilala sa pagpapalawak ng orihinal na San Miguel Brewery na naging San Miguel Corporation. Nagtatag din siya ng mga pilantropiya at nagsulong ng magandang ugnayan sa mga empleyado sa pamamahagi ng kita sa higit 16,000 nitong empleyado sa pagbuo ng planong pampensiyon na nagbabayad sa mga nagretiro mga empleyado ng 25% ng kanilang sahod, na may garantisadong benepisyong medikal at pagpapaliban kung may sakit. Siya rin ang nagtatag ng Philippine Airlines, ang kauna-unahang pampaseherong eroplano sa Asya. Noong 1935, noong panahon ng Komonwelt, itinatag ni Soriano ang Commonwealth Insurance Company, isa kompanyang pansegurong non-life.

Naglingkod si Soriano sa gabinete ni Manuel L. Quezon noong panahon ng digmaan bilang kalihim ng pananalapi, pagsasaka at komersiyo noong panahon ng digmaan.[2] Naglingkod din si Soriano sa USAFFE at kalaunan bilang koronel sa ilalim ni Heneral Douglas MacArthur sa Southwest Pacific Theater.[3] Siya ang namuno ng Philippine Falange noong huling bahagi ng mga 1930 hanggang siya'y nag-apply upang maging mamamayan ng Pilipinas.[4]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Don Andres Soriano". The Philippine Folio. 30 Disyembre 1990. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-10-12. Nakuha noong 30 Agosto 2013.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Cullather, Nick. "Illusions of influence: The political economy of United States-Philippines": 25. {{cite journal}}: Cite journal requires |journal= (tulong)
  3. Abstract, Harry Walter Colmery (PDF). USA: Overview of the Collection Repository Kansas State Historical Society. 1979. p. 3.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Friend, Theadore (1965). Between Two Empires: The ordeal of the Philippines, 1929-1946. Yale University Press. p. 172.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)