Ang bilo-bilo o bilu-bilo ay isang Pilipinong panghimagas o meryenda. Gawa ito sa binilog na malagkit na bigas sa pinatamis na gata ng niyog. Nilalagyan ito ng sago, langka, saba, at iba-ibang bukol (Ingles: tuber) tulad ng gabi at ube.
Marami itong kahalintulad na panghimagas sa ibang dako ng Pilipinas, tulad ng binignit.