Charles Seignobos

Si Charles Seignobos (1854-1942) ay isang Pranses na historyador, at espesyalista sa kasaysayan ng Ikatlong Republika ng Pransiya.

Ipinanganak siya noong 1854 sa Lamastre sa Ardèche. Anak siya ni Charles Andrew Seignobos, Pangalawang Alkalde ng Privas mula 1871 hanggang 1894. Ang pamilya niya ay maka-Republikano at Protestante. Nagbakaloriyat siya sa Tournon noong 1871. Matapos ang matagumpay na pag-aaral sa École Normale Supérieure kung saan nag-aral siya sa ilalim nina Fustel de Coulanges at Ernest Lavisse, nagtapos siya na primera sa agregasyon sa kasaysayan.

Pagkatapos ay nag-aral siya ng dalawang taon sa Deutschland. Tumira siya ng ilang panahon sa Göttingen, Berlin, Munich at Leipzig. Hinirang siyang lektyurer sa Unibersidad ng Dijon noong 1879 at propesor ng Écoles des Hautes Études Internationales et Politiques (HEI-HEP). Naipagtanggol niya ang tesis niya para sa pagkadoktor noong 1881, pagkatapos ay hinirang siyang guro sa Sorbonne. Itinuturing siyang isa sa dalawang nagtatag ng pamayanang siyentipiko at humanista na “Sorbonne-Plage ", sa Arcouest malapit sa Paimpol, kasama ng kaibigan niyang pisiyologo na si Louis Lapicque (1). Namatay siya noong Abril 1942, matapos siyang ikulong sa sarili niyang bahay sa Ploubazlanec sa Bretanya.

Itinuturing siya kasama ni Charles-Victor Langlois na isa sa mga pasimuno ng positibismo sa kasaysayan. Si Seignobos ay may-akda ng maraming aklat sa kasaysayang pampolitika na gumagamit ng Deutsche na pamamaraan pangkasaysayan. Nakatulong din sa kanya ang kahusayan niya sa Deutsche at Ingles sa pagsasaliksik ng mga dokumento. Malaki ang ginampanan niya sa pamamaraang pangkasaysayan na nakabatay sa kritikal na pagbabasa ng mga batis na manuskrito.

"Ang historyador ay parang isang pisiko na nababatid ang katotohanan sa pamamagitan ng isinalaysay ng kanyang katuwang sa laboratoryo na ignorante na ay posibleng sinungaling pa."

Sinipi ito mula kay Seignobos sa La Méthode historique appliquée aux sciences morales (Ang aplikasyon ng pamamaraang pangkasaysayan sa siyensiyang pangmoralidad).

  • Histoire narrative et descriptive de la Grèce ancienne (1892).
  • Histoire politique de l'Europe contemporaine. Histoire de la France contemporaine (1897), kasama si Ernest Lavisse.
  • Introduction aux études historiques(1897), kasama si Charles-Victor Langlois, muling inilathala noong 1992.
  • La Méthode historique appliquée aux science sociales, Alcan (1901).
  • Études de politique et d'histoire, PUF (1934).
  • Histoire sincère de la Nation française (1937).
  • Essai d’une Histoire comparée des peuples de l’Europe (1938)

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Bizière J.M., at Vayssiere P. (1995). Histoire et historiens. Paris.
  • Morel, Y. (1998). Charles Seignobos devant ses contradicteurs. Analyse de la controverse intellectuelle française du début du XXe siècle sur l'histoire. ANRT. ISBN 2284016413.
  • Prost, A., (1994, Hulyo-Setyembre) Charles Seignobos revisité. Sa Vingtième siècle, 43, pp.100-118.

Panlabas na Kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]