Chel Diokno | |
---|---|
Dean ng Pamantasang De La Salle (DLSU) College of Law | |
Nasa puwesto 2009–2019 | |
Sinundan ni | Virgilio de los Reyes |
Bantayog ng mga Bayani Chairman | |
Kasalukuyang nanunungkulan | |
Unang araw ng panunungkulan August 30, 2022 | |
Nakaraang sinundan | Wigberto Tañada |
Personal na detalye | |
Isinilang | Jose Manuel Tadeo Icasiano Diokno 23 Pebrero 1961 Pasay, Rizal, Philippines |
Kabansaan | Filipino |
Partidong pampolitika | Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino (KANP; 2021–present)[1] |
Ibang ugnayang pampolitika | Liberal (2018–2019)[2] Otso Diretso (2018–2019) Independent (2021)[3] |
Asawa | Divina Aromin-Diokno |
Anak | 6 including Pepe[4] |
Magulang | Jose W. Diokno Carmen R. Icasiano |
Kaanak | Talaan
|
Tahanan | San Juan, Metro Manila |
Edukasyon | La Salle Green Hills |
Alma mater | University of the Philippines Diliman B.A. Northern Illinois University (J.D.) |
Trabaho |
|
Pirma | |
Websitio | cheldiokno.ph |
Palayaw | Chel |
Si Jose Manuel Tadeo Icasiano "Chel" Diokno ( Tagalog: [ˈdʒɔknɔ], ipinanganak noong Pebrero 23, 1961)[5] ay isang Pilipinong abogado, tagapagturo, at tagapagtaguyod ng karapatang pantao. Siya ay nagsisilbing chairman ng Free Legal Assistance Group (FLAG) at ang founding dean ng De La Salle (DLSU) College of Law. Siya ay nagsilbi bilang isang espesyal na tagapayo ng Komiteng Blue Ribbon ng Senado.
Si Diokno ay isinilang noong Pebrero 23, 1961 sa Pasay City bilang ikawalo sa sampung anak ng human rights lawyer na si Jose W. Diokno, na kalaunan ay naging Senador, at Carmen "Nena" Icasiano.[6] Siya ay apo sa tuhod ni Ananías Diokno, ang pinuno ng mga Bisaya noong Digmaang Pilipino–Amerikano, at apo ni Ramón Diokno, isang nasyonalista na nagsilbi bilang Senador at Supreme Court Associate Justice.
Natapos ni Diokno ang kanyang elementarya at sekondaryang edukasyon sa La Salle Green Hills . Pagkatapos, noong 1982, nakakuha siya ng Bachelor of Arts degree in Philosophy sa University of the Philippines Diliman, nag-aral ng Bachelor of Laws sa Unibersidad ng Pilipinas sa loob ng isang taon hanggang 1983 at pagkatapos ay nag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Northern Illinois (NIU) sa Estados Unidos, kung saan nagtapos siya ng Juris doctor, na nasa ikalimang pwesto ng kanyang klase at naging magna cum laude, noong 1986. Nakapasa siya sa Bar ng Estado ng Illinois noong 1987, at pagkamatay ng kanyang ama ay bumalik sa Pilipinas kung saan siya kumuha ng Bar Examinations noong 1988. Naipasa niya ang mga eksaminasyon at sinimulan ang kanyang pagsasanay sa abogasya noong sumunod na taon.
Sa halalan noong 2019, inilunsad ni Diokno ang kampanya para sa isang puwesto sa Senado sa ilalim ng Otso Diretso isang koalisyon na laban sa sinasabing paglabag sa karapatang pantao ni Pangulong Rodrigo Duterte ; natalo siya na may 6,308,065 na boto.
Noong Hulyo 19, 2019, nagsampa ng kaso ang PNP laban kay Diokno at iba pang miyembro ng oposisyon para sa "sedition, cyber libel, libel, estafa, harboring a criminal, and obstruction of justice". Noong Pebrero 10, 2020, na-clear siya sa lahat ng mga kaso.
Noong Hunyo 12, 2021, siya ay pinangalanan sa anim na nominado ng 1Sambayan, isang koalisyon na maglalagay ng nag-iisang kandidato laban sa napiling kahalili ni Pangulong Duterte sa 2022 Philippine presidential election, para sa presidente at bise presidente. Nauna nang sinabi ng kapwa Otso Diretso na senatorial candidate na si Samira Gutoc noong 2019 na maaari siyang maging opposition standard bearer. Gayunpaman, aniya, labis niyang ikinatuwa ang nominasyon, bagama't hindi niya hinangad ang mga posisyong iyon dahil nakatutok siya sa kanyang Free Legal Helpdesk, at umaasa siyang makapaglingkod sa bansa, lalo na sa kabataan at ordinaryong Pilipino, sa hustisya, pananagutan, at kaluwagan mula sa pandemya.
Noong Setyembre 15, 2021, inihayag niya na muli siyang tatakbo sa pagka-senador sa halalan ng 2022 . Naghain siya ng kandidatura noong Oktubre 7 bilang bagong miyembro ng partidong Katipunan ng Nagkakaisang Pilipino (KANP). [7] Si Diokno ay nagsumpa bilang miyembro ng KANP, at siya ay pinangalanan sa senatorial slate ng kandidato sa pangulo na si Pangalawang Pangulo Leni Robredo .
Nakapasa si Diokno sa pagsubok ng bar sa State of Illinois at pagkatapos ay sa Pilipinas. Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas noong 1987, nagsilbi siya bilang isang abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao. [8] Si Diokno ay miyembro at kasalukuyang chairman ng FLAG. Maliban sa paghawak ng mga mahahalagang kaso, naging regular din siyang amicus curiae sa Korte Suprema .
Noong 1990s, nagsilbi si Diokno sa Commission on Human Rights sa ilalim nina Pangulong Cory Aquino at Fidel V. Ramos . Naging miyembro din siya ng Committee on Human Rights and Due Process sa Integrated Bar of the Philippines (IBP).
Noong 2001, si Diokno ang private prosecutor sa impeachment proceedings laban kay dating Pangulong Joseph Estrada . Noong taon ding iyon, naging General Counsel siya ng Komite ng Blue Ribbon ng Senado (ang Komite ng Pananagutan sa Opisyong Pampubliko at Imbestigasyon) sa ilalim ni Sen. Joker Arroyo . Noong 2004, siya ay hinirang na Special Counsel sa Development Bank of the Philippines .
Hanggang 2019, si Diokno ay nagsilbi bilang Presidential Adviser on Human Rights sa Integrated Bar of the Philippines at naging miyembro ng Panel of Arbitrators sa International Center for Settlement of Investment Disputes.
Noong 2006, itinatag ni Diokno ang Diokno Law Center na nagbibigay ng legal na pagsasanay sa mga ahensya tulad ng Comelec, Public Attorney's Office, Philippine National Police, Ombudsman, Bureau of Internal Revenue, Bureau of Customs, at IBP . Noong 2009, itinatag niya ang DLSU College of Law at naging founding dean nito. Si Diokno ay nagturo rin ng Remedial Law bago naging Dean siya sa FEU-DLSU JD-MBA program at sa Ateneo de Manila University.
Itinaguyod niya ang karapatang pantao sa kanyang pagsasanay sa batas sa Free Legal Assistance Group, bilang tagapayo sa Senate Blue Ribbon Committee, at sa kanyang tungkulin bilang founding Dean ng De La Salle University College of Law. Si Diokno ay matagal na miyembro ng IBP na nagbibigay ng libreng payo sa mga kliyente tungkol sa batas. Matagal na niya sinasabi na kailangan baguhin ang sistema ng mga opisina ng Public Attorney o PAO, dahil madalas ay idinidepensa nila ang mga inakusahan at ang mga tagausig, kahit ito ay hindi etikal. Sa DLSU College of Law, si Diokno ang madalas nagtatanghal ng pinakamasikat na gantimpala para sa karapatang pantao sa buong Pilipinas, ang Ka Pepe Diokno Human Rights Award. Ang mga nanalo ng gantimpala na ito ay sina Jovito Salonga, Maria Ressa, at Benigno Aquino III
Bilang inapo ng dating Senador at kritiko ng Batas Militar na si Jose W. Diokno, nanindigan si Chel Diokno laban sa umano'y "historical negationism" at "denialism" hinggil sa batas militar ng Pilipinas sa ilalim ni Ferdinand Marcos. Si Diokno ay isa sa mga pinuno laban sa Pederalismo, sa batas militar, at sa mga korupsyon at bank account na tinatago ng pamilyang Marcos sa Switzerland. Si Diokno rin ay naging isang hurado sa Amnesty International sa London, UK, isang NGO na naglalaban para sa karapatang pantao.
Nagsulat si Diokno ng tatlong libro: Diokno On Trial: The Techniques And Ideals Of The Filipino Lawyer (The Complete Guide To Handling A Case In Court), na inilathala ng Diokno Law Center noong 2007; Civil And Administrative Suits As Instruments Of Accountability For Human Rights Violations, na inilathala ng Asia Foundation noong 2010, at "Model Pleadings of Jose W. Diokno Volume 1: Supreme Court" na inilathala ng Diokno Law Center noong 2020. Nagsulat din siya ng mga artikulo ng balita sa forensic DNA, elektronikong ebidensya, batas laban sa terorismo, batas ng media, at reporma sa hudisyal.
Sinabi ng dating mahistrado ng Korte Suprema na si Artemio Panganiban na si Jose W. Diokno, Jovito Salonga, at Claudio Teehankee, ay ang kanyang idolo sa pagiging abugado. Nagbigay pugay si Adolfo Azcuna, isa ring mahistrado ng Korte Suprema, at sinabi niya na matutunan ng tao ang mga isip ni Jose Diokno sa kanyang mga pagsusumamo sa libro ni Chel.
Nag-voiceover si Diokno para sa ilang eksena ng 2018 film na BuyBust .
Si Diokno ay anak ng makabayang Pilipino na si Senador Jose W. "Ka Pepe" Diokno, ang ama ng karapatang pantao sa Pilipinas at intelektwal na pinuno ng oposisyon laban sa rehimeng Marcos. Ang kanyang kapatid na babae, si Maris, ay isang senior administrator sa sistema ng Unibersidad ng Pilipinas at dating tagapangulo ng National Historical Commission of the Philippines . Si Diokno ay nagpakasal sa isang manunulat na nagngangalang Divina Aromin; ang kanilang panganay na anak ay ang filmmaker na si Pepe, na ipinangalan sa kanyang lolo.
Diokno took his oath as member of KANP
Diokno, a member of the Liberal Party...
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link)