Gakuen Utopia Manabi Straight!

Ang Gakuen Utopia Manabi Straight! (がくえんゆーとぴあ まなびストレート!, Gakuen Yūtopia Manabi Sutorēto!, pinaigsi bilang Manabi Straight!) ay isang seryeng anime na ginawa ng Ufotable at MediaWorks. Ang proyektong ito ay isang istorya ng mga babae sa mataas na paaralan sa taong 2035 nang bumaba ang bilis ng pagsilang o birth rate. Nilunsad ito noong Agosto 2004 sa magasin na Dengeki AniMaga ng MediaWorks, at nagkaroon ito ng adaptasyon sa manga na nailathala ng baha-bahagi sa Dengeki Daioh ng MediaWorks at ang pangalawang manga ay ginawa sa Famitsu Comic Clear ng Enterbrain.

Ang Manabi Straight! na manga, na may kuwento ni Ufotable at ilustrasyon ni Tartan Check, ay baha-bahaging nilathala ng MediaWorks sa magasin na manga na Dengeki Daioh sa pagitan ng mga isyu ng Disyembre 2005[1] at Pebrero 2008. Apat na bolyum na tankōbon ang nilabas sa pagitan ng Mayo 27, 2006 at Pebrero 27, 2008.[2][3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 電撃大王 12月号 [Dengeki Daioh December issue] (sa wikang Hapones). MediaWorks. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 29, 2005. Nakuha noong Mayo 5, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. がくえんゆーとぴあ まなびストレート!(1) [Gakuen Utopia Manabi Straight! (1)] (sa wikang Hapones). ASCII Media Work]. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 4, 2014. Nakuha noong Mayo 3, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. がくえんゆーとぴあ まなびストレート!(4) [Gakuen Utopia Manabi Straight! (4)] (sa wikang Hapones). ASCII Media Works. Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 4, 2014. Nakuha noong Mayo 3, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)