Hazel Dawn

Hazel Dawn
Talaksan:Si Hazel Dawn sa The Theatre cover, August 1914 (crop).jpg
Si Dawn noong 1914
Kapanganakan
Henrietta Hazel Tout

23 Marso 1890(1890-03-23)
Ogden, Utah
KamatayanAgosto 23 1988 (edad 98)
New York City, New York
Ibang pangalanThe Pink Lady
Aktibong taon1914 – 1931
Asawa Charles Edward Gruwell (k. 1927–41)
Anak2

Si Hazel Dawn ay pinanganak na Henrietta Hazel Tout; Sya ay isinilang noong Marso 23, 1890 at namatay noong Agosto 28, 1988. Sya ay isang Amerikanang , artista sa entablado, pelikula at telebisyon, Sya rin ay isang biyolinista. Siya ay ipinanganak sa isang pamilyang Mormon sa Utah, at nag-aral ng musika sa Europa kung saan ang kanyang ama ay isang misyonero. Sumikat si Dawn sa karakter sa The Pink Lady ni Ivan Caryll, na nagbukas noong 1911 sa Broadway at tumakbo sa mahigit 300 na pagtatanghal; nakuha nito kay Dawn ang sikat na palayaw. Siya ay gumanap nang husto sa Broadway at nagsimulang magtrabaho sa pelikula noong 1914, na lumabas sa kabuuang 13 tampok na pelikula. Namatay si Dawn sa edad na 98 sa New York City.

Si Dawn ay ipinanganak na Henrietta Hazel Tout [1] sa Ogden, Utah, noong 1890. [2] Pumunta siya sa Wales kasama ang kanyang pamilya sa edad na walong taong gulang nang ang kanyang ama ay naglingkod bilang isang misyonaryong Mormon doon. Nag-aral si Dawn ng violin at pagkanta sa London, Paris, at Munich. [2] Lalo siyang humanga sa pagiging maasikaso ng mga guro niya sa Paris. Ang kanyang kapatid na si Nancy Tout, ay isang mang-aawit sa opera na kumanta kasama ang Opéra-Comique sa Paris.

Pagtatanghal sa Entablado

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakilala niya ang producer na si Ivan Caryll sa isang party sa London. Iminungkahi ni Caryll ang pangalan na Hazel Dawn para sa kanya, dahil ayon sa kanya ang kanyang tunay na apelyido na Tout ay parang "imposible". Nakilala niya ang kompositor na si Paul Rubens, na nag-alok sa kanya na gumanap sa bahagi ng Dear Little Denmark sa Prince of Wales Theater noong 1909, kung saan ito ang kanyang unang paglabas sa teatro. Pagkatapos ay nag-bida siya sa The Balkan Princess noong 1910 bilang si Olga. Nakamit niya ang isang mahusay na tagumpay sa kanyang pagganap sa Edwardian musical comedy ni Ivan Caryll, The Pink Lady noong 1911. [2] Ang palabas ay nagpatakbo ng kabuuang 316 na pagtatanghal sa Broadway at pagkatapos ay naglibot pa, ito ang nagpasikat kay Dawn. [3] Sa produksyon, ipinakilala niya ang "My Beautiful Lady", na kanyang kinanta at tinugtog sa kanyang violin. Pagkatapos ay nakilala siya bilang "The Pink Lady", [4] at ang Pink Lady cocktail ay maaaring pinangalanan para sa kanya.

  1. Hunter 2013.
  2. 2.0 2.1 2.2 Slide 2012.
  3. Van Leer, Twila (11 Hunyo 1996). "Utah Actress Hazel Dawn Lit Up the Stage and Screen". Deseret News. Nakuha noong 22 Hulyo 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Fraser, C. Gerald (31 Agosto 1988). "Hazel Dawn, Stage Actress, Is Dead at 98". New York Times. Nakuha noong 24 Hulyo 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)