Kanlurang Dagat ng Pilipinas (West Philippine Sea) | |
---|---|
Mga koordinado | 13°N 118°E / 13°N 118°E |
Mga isla | Kapuluang Spratly at Bajo de Masinloc (pinag-aagawang mga teritoryo) |
Ang Kanlurang Dagat ng Pilipinas o Karagatang Kanlurang Pilipinas[1] (Ingles: West Philippine Sea), ay ang opisyal na pagtatalaga ng pamahalaan ng Pilipinas sa mga silangang bahagi ng Dagat Timog Tsina na nakapaloob sa eksklusibong sonang ekonomiko ng Pilipinas. Malimit ding ginagamit ang katawagan kahit hindi angkop upang matukoy ang kabuoan ng pinagtatalunang dagat.
Matagal nang tinawag ang bahagi ng Dagat Timog Tsina sa kanluran ng Pilipinas bilang payak na South China Sea (Ingles ng Dagat Timog Tsina), kalakip ang bahagi sa loob ng mga teritoryal na katubigan na malimit na tawaging Dagat Luzón (Luzon Sea).[2] Ngunit kalakip ng lumalalang sigalot sa Kapuluang Spratly at ang labis na pag-aangkin ng Tsina sa mga tampok sa dagat, inihayag ng pamahalaan ang pagbago ng pangalan ng Dagat Luzón sa West Philippine Sea o Dagat Kanlurang Pilipinas upang maipalakas ang pag-angkin nito sa nabanggit na likas na tampok sa dagat.[3]
Ang unang gamit ng pamahalaan sa katawagang West Philippine Sea ay sa taong 2011, noong administrasyon ni noo'y-Pangulong Benigno Aquino III.[4] Binalak ang pagpapangalan para sa mga layunin pambansang sistema ng pagmamapa[5] at bilang masagisag na pakita upang pagtalunan ang soberanya ng Tsina sa buong Dagat Timog Tsina.[6]
Naghain si Walden Bello, kinatawan ng Akbayan, ng isang resolusyon sa Kapulungan ng Kinatawan ng Pilipinas noong Hunyo 2011, na humihikayat sa pamahalaan na suriin ang proseso ng pagpapalit ng pangalan ng Dagat Timog Tsina sa "Kanluraning Dagat ng Pilipinas" ("Western Philippine Sea").[7] Nakatanggap ito ng suporta mula sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas, na gumagamit na ng katawagang "West Philippine Sea" mula pa noong kalagitnaan ng dekada-2000[8] Isinakodigo ito ng isang kautusang pampangasiwaan noong Setyembre 2012, at nilinaw ang paggamit nito sa mga katubigan sa loob ng eksklusibong sonang ekonomiko (EEZ) ng Pilipinas. Ipinag-utos ng kautusan ang paggamit ng mga kagawaran, subdibisyon, ahensiya, at intrumentalidad ng pamahalaan sa katawagang ito.[5] Inihayag naman ng pamahalaan ng Pilipinas na sisimulan ang paggamit ng pangalang West Philippine Sea upang tukuyin ang mga katubigan sa kanluran ng Pilipinas sa mga mapa ng pamahalaan, ibang mga uri ng komunikasyon at mga dokumento.[4]
Noong Hulyo 12, 2016 nagpasiya ang Permanent Court of Arbitration pabor sa Pilipinas. Nilinaw nito na hindi ito "...mamamahala sa anumang katanungan ukol sa soberanya sa panlupang teritoryo at hindi nito magtatakda ng alinmang hangganang pandagat sa pagitan ng mga Partido".[9][10] Nagpasiya rin ang húkuman na "walang pangkasaysayang mga karapatan" ang Tsina batay sa "siyam na gatlang na guhit" sa kanilang mga mapa.[9][10]
Walang eksaktong hangganan para sa lugar sa Dagat Timog Tsina na bumubuo sa West Philippine Sea.[6] Inilarawan ng kautusang pampangasiwaan na opisyal na nagpangalan sa lugar ang Kanlurang Dagat ng Pilipinas bilang sumusunod:
The maritime areas on the western side of the Philippine archipelago are hereby named as the West Philippine Sea. These areas include the Luzon Sea as well as the waters around within the adjacent to the Kalayaan Island Group and Bajo de Masinloc, also known as Scarborough Shoal.
— Sek. 1, Kautusang Pampangasiwaan Blg. 29 (2012)[5]
Sa batas ng Pilipinas, tumutukoy lamang ang Kanlurang Dagat ng Pilipinas o West Philippine Sea sa mga bahagi ng Dagat Timog Tsina, lalo na yaong mga bahaging nasa eksklusibong sonang ekonomiko (EEZ) ng bansa. Naging opisyal ang pagpapangalan sa lugar sa pamamagitan ng Kautusang Pampangasiwaan Blg. 29 na inilabas ni noo'y-Pangulong Benigno Aquino III noong Setyembre 5, 2012. Binabanggit din ng kautusan ang Kautusang Pampanguluhan Blg. 1599 na inilabas noong 1978 sa panahon ng pagkapangulo ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na nagtatag ng EEZ ng Pilipinas, pati ang Batas Republika Blg. 9522 o ang Baselines Law na isinabatas noong 2009 sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na nagtakda ng mga baseline o distansiya ng kapuluan ng Pilipinas.[11]
Iginigiit at pinapalakas ng kautusang pampangasiwaan ang pag-aangkin ng Pilipinas sa EEZ nito sa Dagat Timog Tsina na naipapakita ang paninindigan ng pamahalaan ng Pilipinas na mayroon itong karapatang pansoberaniya sa ilalim ng 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea sa lugar ng West Philippine Sea at ang "likas na kapangyarihan at karapatan na magtakda ng mga pook pandagat nito na may angkop na kangalanan (nomenclature) para sa mga layunin ng pambansang sistema ng pagmamapa".[11]
Sa ilalim ng Kautusang Pampangasiwaan Blg. 29, inatasan ang Pambansang Pangasiwaan sa Pagmamapa at Dulugang Kaalaman (NAMRIA) na gamitin ang katawagang West Philippine Sea sa mga mapang inilikha at inilathala ng ahensiya ng pamahalaan. Kinakailangan ding gamitin ng ibang mga ahensiya ng pamahalaan ang katawagan upang maging malawak ang paggamit ng pangalan sa loob at labas ng bansa.[11]
Bago ang pagpapalabas ng kautusan, ginamit ng PAGASA, ang ahensiya ng pamahalaan sa pagtataya ng panahon sa bansa, ang pangalan noong 2011 upang tukuyin ang mga katubigan sa kanluran ng bansa habang pinanatili ang pangalang Philippine Sea para naman sa mga katubigan sa silangan ng kapuluan.[12]
Malimit ding ginagamit ang katawagan kahit hindi angkop upang matukoy ang kabuoan ng Dagat Timog Tsina.[13]
Nasa kanlurang bahagi ng Pilipinas ang Karagatang Kanlurang Pilipinas o West Philippine Sea (WPS).
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
"If you say the West Philippine Sea, the basis should be really Administrative Order [No.] 29, which clearly refers to only part of the South China Sea, which is under Philippine jurisdiction. It has never been synonymous with the South China Sea," Batongbacal said.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)